chapter 2

32K 726 59
                                    


Jeizhiro

"Jeizhiro!"

Nilingon ko si Mayor Rodolfo ang mayor ng bayan ng San Agustin. Ang bagong employer ko. Nakangiti syang lumapit sa akin.

"Pauwi ka na ba?"

"Yes mayor, may kailangan pa ho kayo?" Magalang kong tanong.

"Wala naman. Magpapasalamat lang ako sa'yo  sa ginawa mo kanina. Salamat at tinulungan mo si Yñigo na masukol si Don Abel. Ligtas ang inaanak ko ng dahil sa tulong mo." Aniya at tinapik ang balikat ko.

Ngumisi naman ako. "Wala ho yun mayor, at isa pa kahit wala naman ho ang tulong ko ay makakaligtas pa rin ang inaanak nyo. Mahusay ding bumaril eh."

Tumawa naman sya. "Gayunpaman salamat pa rin. Malaki ang naitulong mo."

Tumango na lang ako at ngumiti.

"Teka, ayaw mo bang maghapunan muna bago umuwi?" Alok nya.

"Hindi na ho mayor, may dadaanan din ho kasi ako." Tanggi ko. Tiningnan ko ang oras sa silver wrist watch ko. Mag a-alas singko na ng hapon.

"O sige, mag iingat ka na lang. Kita na lang tayo sa Monday." Muli nya akong tinapik sa balikat.

Sumakay na ako sa itim na raptor ko at binuhay ang makina. Bumusina pa ako bilang pamamaalam sa butihing mayor. Kumaway naman sya. 

Inatras ko na ang raptor ko palabas ng bukas na malaking gate ng mansion. Sumaludo pa ang isang tauhan sa akin. Binusinahan ko na lang sya at pinausad na ang raptor ko.

Hindi naman ako nag aalalang iwan si mayor pansamantala. Patay na si Don Abel at nahuli na ang lahat ng tauhan nya. Kaya wala akong dapat alalahanin. Dalawang araw lang naman ang hiningi kong pahinga dahil gusto kong bisitahin ang cacao farm namin. Tatlong buwan ko na kasi itong hindi nadadalaw dahil naging abala ako sa loob ng tatlong buwan lalo na ng maging personal bodyguard ako ni Mayor Rodolfo.

Isa akong dating sundalo at 12 years din akong nanilbihan bago nagpasyang magretiro. Gusto ko kasing tutukan ang cacao farm ng mga magulang kong namayapa na iniwan sa akin. Sayang naman kasi kung mapapabayaan lang. Nangako pa naman ako sa kanila na palalaguin ko ito. Noong nabubuhay pa sila ay tutol sila sa pagsusundalo ko dahil buhay ko nga ang nakataya. Mas gusto nila na hawakan ko ang cacao farm namin at palaguin pa. Pero dahil desidido ako at buo ang loob ko ay wala na ring silang nagawa. Kaya ngayon ay  sila naman ang pagbibigyan ko.

Ngunit hindi pa ako nakaka isang taon sa taniman ay nababagot na ako. Namimiss ko ang dati kong trabaho. Yung thrill na nasa bundok ako at nakikipag habulan sa mga rebelde at nakikipag palitan ng putok. Pero hindi naman pwedeng basta basta na lang akong bumalik sa serbisyo. Kaya ng malaman ko na naghahanap ng personal bodyguard si Mayor Rodolfo De Ocampo ay hindi na ako nagdalawang isip na mag apply. Agad din naman nya akong tinanggap lalo na ng malaman nyang isa akong dating sundalo.

Napangiti ako ng makita ko na ang arko na may nakasulat na malaking letra na Santa Martina probinsya ng Kalinaw. Kumakalat na ang dilim sa kalangitan. 20 minutes pa bago ko marating ang baranggay Gitna kung nasaan ang bahay ko. Bumili na lang ako ng litchon manok sa nadaanan kong lechonan at limang incan na beer sa katabing convenient store.

Bumagal ang takbo ng raptor ko ng dumaan ako sa palengke dahil maraming tao ang namimili. Huminto ako sa bungad kung saan may malaking tindahan ng mga prutas. Marami rin ang namimili ng iba't ibang klase ng prutas.

Napangiti ako ng makita ko ang partikular na tao o babae na mag iisang taon ng nagpapangiti sa akin. Tatlong buwan ko din syang hindi nakita. Busy sya sa pag aasikaso ng mga mamimili. Pero kahit halata na ang pagod sa mukha nya ay hindi pa rin nawawala ang magandang ngiti nya. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit dinadagsa ang tindang prutas nila. Kahit nga ako na hindi naman talaga mahilig sa prutas ay napapabili na rin makita ko lang ang magandang mukha nya. Pero sa ilang beses ko ng bumibili dito ay isang beses pa lang nya ako pinagbentahan. Ang magdalas magbenta sa akin ay ang kasamahan nyang babae at yung binabae. Minsan yung matandang babae na mukhang may ari.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon