chapter 23

39.6K 799 52
                                    

Ivy

"Ivy, aalis ako. Gusto mo bang sumama?"

Nilingon ko si Jeiz na nakapamulsang lumapit sa akin. Abala kasi ako sa pag aayos ng mga gamit ko na ilalagay dito sa kwarto nya. Pinalipat na kasi nya ako dito. Pumayag na rin naman ako. Mag asawa naman kami eh.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Umupo sya sa tabi ko. "Sa bayan lang, kukunin ko lang yung mga inorder na abono."

Nanlaki ang mata ko ng sabihin nyang sa bayan sya pupunta. "Sama ko." Excited kong sabi. Gusto ko kasing makita sila Tina at Christy, namimiss ko na sila.

Natawa sya. "Magbihis ka na, iwan mo muna yan. Tulungan na lang kita mamaya mag ayos."

Tumayo na ako sa kama at bumaba. Humugot ako ng matinong damit sa closet at sa banyo na nagbihis. Isang simpleng t-shirt at jagger pants lang naman yun na si Jeiz din ang bumili. Lahat naman ng gamit ko ultimo napkin at pantyliner ay sya ang bumibili. At hindi ko na daw kailangan mahiya dahil tungkulin nya yun bilang asawa. Ang ibigay ang lahat ng pangangailangan ko.

Nang matapos akong magbihis ay magkahawak kamay pa kaming bumaba ng hagdan. Nagpaalam muna kami kay manang Sol.

"Jeiz, pwedeng dumaan tayo sa prutasan sa bungad mamaya." Request ko sa kanya ng nasa gitna na kami ng byahe.

"Bakit? May gusto ka bang bilhin?" Nakangiting tanong nya at sinulyapan ako.

"Wala, gusto ko lang kamustahin ang mga kaibigan ko. Dun kasi ako nagtatrabaho bago ako ibenta nila tiyang at tiyong." May pait sa huli kong sinabi.

Bagama't magdadalawang buwan na ang pangyayaring yun ay sariwa pa rin isipan at puso ko. Para iyong isang bangungot.

"Alam ko."

"Ha?"

"Ang sabi ko alam kong doon ka nagtatrabaho dati." Aniya.

Napaawang naman ang labi ko. "Pa'no mo nalaman?"

Sumulyap sya ulit sa akin. "Palagi kitang nakikita kapag napapadaan ako dun. Doon din ako laging bumibili ng prutas."

"Talaga? Nabentahan na ba kita?" Curious kong tanong. Hindi ko kasi matandaan kung nabentahan ko ba sya.

"Isang beses lang at mukhang hindi mo pa natatandaan." May himig tampong sabi nya.

Napangiwi naman ako. Parang kasalanan ko pa tuloy.

"Pasensya na, sa dami kasi ng nagiging customer namin hindi ko na talaga natatandaan minsan."

"Ayos lang, sapat na sa akin nun na makita ka lang." Aniya at kinuha pa ang kamay ko sabay kintal ng halik sa likod.

Nag init naman ang pisngi ko. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko.

"B-Bakit naman gusto mo kong makita nun?" Nauutal kong tanong. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Maniniwala ka ba kung sabihin kong crush na kita nung unang beses kitang nakita sa prutasan? Kaya lagi akong dumadaan sa prutasan nyo para bumili ng kahit na anong prutas para makita ka lang." Sagot nya at muling dinala ang kamay ko sa labi nya at pinupog ng halik. Sumulyap pa sya sa akin at ngumiti.

Para na tuloy sinusunog ang mukha ko sa init. Ganitong ganito din ang naramdaman ko ng angkinin nya ako. Isabay pa ang malakas na kalabog ng dibdib ko. Magkakasakit na yata ako sa puso eh.

"Sya nga pala, gusto mo na bang mag enroll next week? Sasamahan kita." 

Napalingon ako sa kanya. "T-Talaga? Pwede na akong mag enroll? Mag aaral na ko?" Di makapaniwalang sunod sunod kong tanong. Bumangon ang di matawarang pananabik sa puso ko.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon