chapter 39

35.6K 774 79
                                    

Ivy

Parang nagdilim ang paningin ko ng maabutan ko ang hindi kaaya ayang tagpo na yun. Halos nakalambitin ang secretary ni papa na si Mariz sa batok ni Jeiz at nakalapat ang labi sa panga nito.

"Jeiz!" Galit na sigaw ko sa pangalan ng asawa ko.

Para syang binuhusan ng malamig na tubig  ng makita ako at itinulak si Mariz. Napasalampak ang babae sa sahig.

"Babe.."

Matalim ko syang tiningnan at si Mariz. Parang may kamaong sumasakal sa puso ko.

"It's not what you think angel." Napapalunok na sabi nya. Humakbang sya palapit sa akin pero niyakap sya sa bewang ng nakatayo ng si Mariz.

"Ano ba Mariz! Bitiwan mo nga ako!" Binaklas nya ang mga braso ni Mariz pero bumabalik lang ito.

Hindi na ako nakatiis at lumapit sa kanilang dalawa. Tinulak ko si Mariz para mahiwalay kay Jeiz.

"Bitiwan mo ang asawa ko." Singhal ko sa kanya. Nang mahiwalay sya ay hinila ko si Jeiz at hinarang ang katawan sa kanya. Mukhang nakainom sya dahil naaamoy ko ang alak sa hininga nya.

"Ivy." Tawag sa akin ni Jeiz at hinawakan ako sa balikat. Pumiksi ako sa hawak nya at matalim syang inirapan. Naiinis ako sa kanya. Napalunok naman sya.

Hinarap ko ulit si Mariz na matalim ng nakatingin sa akin ngayon. "Bakit ka ba nangingialam?" Pasigaw nyang sabi sa akin.

"Nangingialam ako dahil asawa ko ang hinahalikan at niyayakap mo." Pasigaw ko ding sagot sa kanya.

Hindi ko ugaling pumatol. Pero nagagalit ako at nagseselos. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at masakit sa dibdib. Selos na selos ako ng makita kong hinahalikan nya at niyayakap si Jeiz. Ang usapan, ako lang ang babaeng yayakap at hahalik sa kanya.

Ngumisi si Mariz. Mapupungay ang mga mata nya. "Feel na feel mo naman ang pagiging asawa ni Jeiz. Hoy, hindi ka nababagay kay Jeiz. Ano bang alam mo eh ang bata bata mo pa? Siguro nilandi mo si Jeiz kaya pinatulan ka. Ang galing mo rin ano. Tapos ngayon feeling prinsesa ka na dahil anak ka na ni mayor. O baka naman ginogoyo mo lang si mayor."

"Enough Mariz!" Singhal ni Jeiz.

"Anong karapatan mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko?" Anang dumadagundong na boses.

Sabay sabay kaming napalingon sa taas ng hagdan. Galit ang mukha ni papa na pababa ng hagdan kasunod sila Allan at Danilo.

"M-Mayor." Tila naman nawala ang tama ng alak kay Mariz ng makita si papa.

"Bakit mo pinagsasalitaan ng ganyan ang anak ko Mariz?" Nagtitimping tanong ni mayor. Matalim ang tingin nya kay Mariz.

Napalunok ako. Ngayon ko lang nakitang nagalit si papa.

"Eh k-kasi mayor, concern lang naman po ako. Baka mamaya ginogoyo lang kayo ng babaeng to. B-Baka mamaya myembro pala sya ng sindikato at pinlano nila na maging asawa sya ni Jeiz tapos kilalanin nyo syang anak para mahuthutan kayo -- "

"What the hell are you talking about!" Galit ng sigaw ni papa. "Wala kang karapatan na paratangan ng kung ano ano ang anak ko at hindi ako tanga! Naka drugs ka ba?"

"M-Mayor hindi po ako nagda-drugs." Nahihintakutang sabi ni Mariz.

"Mayor nakainom ho yan." Sabi ni Danilo.

Namaywang si papa at bumuntong hininga. "Umiinom ka dito sa pamamahay ko? Aba'y sumusobra ka na yata? Tapos pagsasabihan mo pa ng kung ano ano ang anak ko."

"M-Mayor -- "

Tinuro ni papa ang pinto. "Umuwi ka na Mariz, and you're fired!"

"N-No mayor, k-kailangan ko po ng trabaho. Wag nyo po akong tanggalin." Natataranta at halos magmakaawang sabi ni Mariz.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon