Ivy
"Ivy aalis na ako."
Mula sa pagva-vacuum ay nilingon ko si sir Jeiz na pababa ng hagdan.
Bahagya pa akong napanganga habang pinagmamasdan syang pababa. Lagi naman akong napapanganga tuwing umaga kapag nakikita syang bihis na bihis papasok sa trabaho. Para kasi syang modelo na lumabas sa magazine o kaya hollywood action star. Ang lakas ng dating nya sa suot nyang pantalong maong na blue na pinaresan nya ng combat shoes. Itim na v-neck t-shirt naman ang pang itaas nya. As usual nakasabit sa neckline ang aviator nya. Namumutok din ang naglalakihang masel nya sa braso pati na rin ang dibdib na hakab sa suot na damit. Bitbit nya ang jacket nya. Naalala ko maraming jacket sa closet nya at puro branded pa. Lahat naman ng damit nya, ultimo brief at boxer shorts nya ay branded. Pati na rin ang mga sapatos nya. Sana all lang talaga.
"Ivy." Untag nya sa akin.
"Po?" Parang tangang tanong ko.
Kumunot ang noo nya. "Ayos ka lang? Para kang namatanda dyan." Nakangising sabi nya.
Naitikom ko naman ang bibig at nahihiyang ngumiti. "Pasensya na po sir Jeiz, nakakatulala kasi ang kagwapuhan nyo eh. Para kayong hollywood celebrity." Sabi ko na walang kakurap kurap na tumitig pa sa kanya.
Tumawa sya ng mahina at napahimas sa batok. Napadila pa sya sabay kagat labi.
"Nagagwapuhan ka sakin?" Ngiting ngiti na tanong nya.
Tumango naman ako. "Opo, at sa totoo lang kayo na yata ang pinaka gwapong lalaking nakita ko."
Tumawa muli sya at napakamot sa ulo.
Naguluhan naman ako kung bakit sya tumatawa. Baka akala nya nag jo-joke ako.
"Sir Jeiz, hindi po ako nag jo-joke ha. Totoo po yung sinabi ko."
Muli syang tumawa. Namumula na rin ang tenga nya.
Medyo wirdo din pala to si sir Jeiz. Tumatawa kapag pinupuri. Buti na lang gwapo sya.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Fuck.. binuo mo na agad ang araw ko Ivy." Mahinang usal nya ng tumigil na sya sa pagtawa.
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Nothing." Nakangiting iling nya.
May dinukot sya sa bulsa ng pantalon sa likuran. Wallet pala nya. Binuksan nya ito at inabutan ako ng isang libo.
Nagtataka naman na kinuha ko ito. "Para saan po to sir Jeiz?"
"Pambili mo ng meryenda. Baka may gusto kang kainin. Pero wag puro tsitsirya ha. Si manang na rin ang pabilhin mo para hindi ka na lumabas."
Pangmeryenda lang to? Isang libo?
"Sir Jeiz, parang sobra sobra naman yata to pangmeryenda. Saka may pagkain namin po sa kusina eh." Ani ko at binalik sa kanya ang pera pero binalik lang din nya ito sa kamay ko.
"Sige na, itabi mo na lang para kapag may gusto kang ipabili sa tindahan may pambili ka." Wika nya at binalik na sa bulsa ang wallet nya.
Nag init naman ang pisngi ko at napakagat labi. Nakakahiya.
"May gusto ka bang ipabili sa akin? Para pag uwi ko mamaya bilhin ko."
Nag angat ako ng tingin sa kanya at mabilis na umiling. "Naku, wala po sir Jeiz. Ayos lang po ako wag na po kayong mag alala."
"Ok, ako na lang bahala." Tumingin sya sa relo. "Alis na ko, mag iingat ka dito ha. Wag kang lalabas. At kapag may nag doorbell sa labas hayaan mo lang." Bilin nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...