chapter 28

35.5K 754 62
                                    

Ivy

Manghang mangha ako sa napakaluntiang nakikita ko sa buong paligid ako. Parang biglang napalis ang pagod ng mga binti ko sa halos limang oras na pag akyat dito sa bundok. Bigla bigla kasi ay nag aya si Jeiz na mag camping kami. Dahil hindi pa ako nakakaranas ng camping ay pumayag na rin ako. One night lang naman. Bukas ng umaga ay uuwi din kami.

"Wow Jeiz! Sobrang ganda naman dito." Bulalas ko.

"I told you." Natatawang sabi nya.

Kahapon pa kasi nya binibida ang lugar na ito. Hindi daw ako magsisisi na sumama. Totoo naman. Padapit hapon na rin at mababa na ang araw. Damang dama ko rin ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko. Humugot ako ng malalim na hininga at dahan dahang binuga. Ang sarap sa pakiramdam!

Nilingon ko si Jeiz na abala na sa pag aayos ng tent. Nagpresinta akong tulungan sya pero tumanggi naman. Kaya yung mga ibang gamit na lang ang nilabas ko sa malaking bag na sya ang nagbitbit.

Nang matapos ako ay nilabas ko naman ang cellphone ko. Hindi ko pwedeng palampasin ko ito. Ang kumuha ng magandang litrato. Tuloy tuloy lang ako sa pagkuha. Minsan sinasama ko rin si Jeiz sa pictures. Ngumingisi sya o kaya napapangiti kapag nahahagip sya ng camera. Grabe kahit candid shot lang ang lakas pa rin ng dating nya at litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan nya. Syempre hindi rin ako nagpahuli sa pag selfie. Nagulat pa ako ng huling selfie ko ay sumulpot sya sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi. Kumuha na rin kami ng pictures na magkasama.

Papadilim na ng gumawa sya ng bonfire. Hangang hanga ako sa mga kilos nya dahil halatang sanay na sanay sya. Kunsabagay dati kasi syang sundalo. Sya na rin ang nagluto ng kakainin namin. Ayaw nya akong palapitin sa apoy dahil baka mapaso daw ako. Instant noodles lang naman ang niluto nya na nilagyan ng itlog. May tinapay at palaman din kaming dala at limang de lata. Syempre instant coffee din.

Nang makakain na kami ay ako na ang naghugas ng gamit na pinagkainan namin. Tinipid ko ang tubig dahil isang galon lang naman ang dala namin bukod sa inumin namin.

"Ang lalim ng iniisip mo ah."

Nilingon ko si Jeiz na nasa likuran ko at pumwesto na ng upo. Nakakulong na ako ngayon sa pagitan ng mga hita nya. Sumandal ako sa kanya habang nakatingala sa kalangitan na namumutiktik sa bituin. Ipinaikot naman nya ang mga braso nya sa balikat ko at sumubsob sa buhok ko.

"Iniisip ko yung buhay ko dati." Panimula ko habang nagbabalik tanaw sa nakaraan ko.

Bumuntong hininga ako. "Akala ko hanggang doon na lang ako sa tindahan ng mga prutas, nag iipon ng pampaaral sa sarili na sigurado naman na aabutin ng ilang taon bago ako makapag aral ulit. Pero kita mo naman malapit na uli akong mag aral at dahil sa'yo yun." Sabi ko at nilingon sya mula sa likuran ko.

Hinalikan naman nya ang pisngi ko. "At ibibigay ko ang lahat lahat sayo misis ko.." Anas nya sa tenga ko.

Napangiti naman ako at humawak sa braso nya. "Salamat ha, dahil sa'yo yung mga hindi ko nararanasan noon at pangarap ko lang natutupad na. Kagaya ngayon, sa tv ko lang napapanood ang camping na to ngayon nararanasan ko na."

"Walang anuman misis ko, may iba ka pa bang gustong gawin o puntahan pagkatapos nito? Habang nasa bakasyon ka pa."

Nag isip naman ako. Ano pa ba ang gusto kong gawin o puntahan? Hindi naman kasi ako gala eh. "Hmm, pag iisipan ko."

Tumango sya. "Gusto mo bang mag beach?"

Beach? Pwede din. Matagal na akong hindi nakakakita ng dagat sa personal. Ang panghuli ay noong nabubuhay pa si mama.

Nilingon ko sya at ngumiti. "Sige, gusto ko. Mag beach tayo." Excited nang sabi ko. 

Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. Inipit nya ang buhok ko sa tenga. "Bago ako bumalik sa trabaho pupunta tayo ng beach." Aniya.

Sa tuwa ko ay niyakap ko sya. Niyakap din nya ako at pinupog ng halik sa mukha..

Kinabukasan ay alas onse na kami nakababa ng bundok. In-enjoy pa kasi namin ang pagsikat ng araw na talaga namang makapigil hininga. Kumain na rin kami sa malapit na restaurant na nadaanan namin. Dalawang oras pa ang byahe para makarating kami sa bahay. Pinapatulog nga nya muna ko at gigisingin na lang kapag nasa bahay na kami. Pero hindi ko ginawa dahil kawawa naman sya. Walang kausap habang nasa byahe.

Napakunot noo ako ng makita ang dalawang magarang sasakyan na nasa harapan ng bahay. Nagtinginan kami ni Jeiz. Maging sya ay nakakunot noo din. Mukhang may bisita syang hindi inaasahan. Akmang bababa sya para buksan ang gate ay lumabas na si manang at ito na ang nagbukas ng gate para sa amin. Minaniobra naman ni Jeiz ang sasakyan papasok sa garahe ng bahay. 

"Sir Jeiz nasa loob si mayor Rodolfo." Imporma ni manang Sol.

"Kanina pa ba sila?"

"Kararating lang. Eh tinatawagan ka daw hindi ka makontak."

Tumango si Jeiz. "Sige ho manang, ako ng bahala sa kanila."

Pumasok naman si manang sa kabahayan. Tumingin sa akin si Jeiz at kinuha ang kamay ko. Pagpasok namin sa bahay ay may ilang tao ang nasa sala. Nakilala ko ang dalawang lalaki na naka uniporme ng asul na button down polo. Sila Allan at Danilo. May kasama pa silang dalawang lalaki na nakauniporme din gaya nila. May isa ding lalaki na prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng broadsheet. May edad na ito pero sa kabila nun ay bakas pa rin ang tikas at awtoridad nito.

"O nandito na pala si sarge at si miss Ivy." Untag ni Allan.

Nagtinginan naman sa amin ang mga naroon.

"Mayor magandang hapon ho, sinurpresa nyo naman ako." Bati ni Jeiz sa may edad a lalaki na boss pala nya at isang mayor.

Tumayo naman ang may edad na lalaki at lumapit na may ngiti sa labi. "May pinuntahan lang ako dito sa bayan nyo iho at naisipan ko na ring daanan ka dito. Tinatawagan kita pero out of coverage area. Ang sabi ng katiwala mo ay nag camping kayo ng asawa mo at pauwi na kaya hinintay na lang namin kayo."

"Ah oho mayor, pasensya na, nagpatay kasi ako ng cellphone. Gusto ko kasing ang buong atensyon ko ay sa asawa ko lang."

"Naiintindihan ko iho." Tinapik ng mayor sa balikat si Jeiz at tumingin sa akin. Unti unting napawi ang ngiti nya at titig na titig sa akin. Kiming nginitian ko naman sya.

"Sya nga ho pala mayor." Inakbayan ako ni Jeiz. "Ito po si Ivy, ang asawa ko. Ivy, sya si Mayor Rodolfo De Ocampo, ang alkalde ng San Agustin. Boss ko." Pagpapakilala sa amin ni Jeiz.

"Magandang hapon ho mayor, kinagagalak ko ho kayong makilala." Magalang na sabi ko sabay lahad ng palad.

Tinanggap naman ng mayor ng dalawang kamay ang kamay ko. Titig na titig pa rin sya sa mukha ko.

"Ikinagagalak din kitang makilala iha." Aniya sabay pisil ng marahan sa kamay ko.

Napaawang naman ang labi ko. Parang may kung anong init na naramdaman ako sa dibdib ko..

*****

Short update muna guys. Medyo busy lang ngayong gabi. ☺️
Anyway, di ako sure kung may update bukas. Maglalaba kasi ako. 😆

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon