Ivy
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahan dahan kong minulat ang mata. Hindi pamilyar sa akin ang kisameng namulatan. Iginala ko ang paningin ko. Hindi pamilyar sa akin ang kwarto. Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang pag uwi ko ng bahay at pagpapasuot sa akin ni tiyang ng maiksing damit. Ang pagsakay namin ng tricycle hanggang sa makarating kami ng bayan ng Consolascion. Ang pagpasok namin sa makitid na daan sa gilid ng beerhouse. Ang dalawang lalaki na kausap ni tiyong, ang pag iwan nila sa akin ni tiyang Linda sa dalawang lalaki. Yung matandang kalbo na malaki ang tiyan..
Kumalabog ang dibdib ko at bumalikwas ng bangon.
Binenta ako kagabi nila tiyang Linda at tiyong Oca sa matandang kalbo!
Tumayo ako at tinakbo ang pinto. Pinihit pihit ko ang doorknob pero naka-lock pa rin ito. Naaalala ko. Napagod at nanakit na ang kamay ko sa kasisigaw at kakakalampag ng pinto pero wala man lang nagbukas.
Lulugo lugong bumalik ako sa kama. Medyo mahapdi ang mata ko sa kaiiyak kagabi at siguradong mugtong mugto na. Nilibot ko ang mata sa buong kwarto. Tiningnan ko ang bintanang capiz. Sinubukan ko ng buksan kagabi yun pero bigo lang ako dahil nakakandado ito sa loob.
Pero baka may tao sa labas pwede akong makahingi ng tulong!
Tila ako nabuhayan ng pag asa at patakbong tinungo ang bintana at sumilip sa butas na naroon. Pero muli akong nabigo ng tumambad sa akin ay masukal na damo. Mukhang nasa bahaging likod ng bahay ang kwartong to.
Lulugo lugong bumalik akong muli sa kama. Napapitlag pa ako ng tumunog ang doorknob. Tanda na may papasok.
Sumiksik ako sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod. Kumalabog sa kaba ang dibdib ko.
Pumasok ang lalaking sumalubong sa amin sa hagdan kagabi. May dala syang tray na may lamang pagkain. Hindi nya sinarado ang pinto pero meron namang lalaki na naka abang sa labas ng pinto. Iba yun sa dalawang lalaking halos kaladkarin na ako kagabi.
Nakangisi ang lalaking may dalang tray na lumapit sa akin.
"Gising ka na pala. Magang maga ang mata mo ah. Pero di bale maganda ka pa rin naman." Aniya at sabay silang tumawa ng lalaki sa may pinto.
Napalunok na lang ako.
"O heto pagkain, kumain ka. Kailangan mong magpakabusog dahil mamaya tiyak na mapapalaban ka." Dugtong pa nya ay muling tumawa. Nilapag lang nya ang pagkain sa kama at muli akong tiningnan habang nakangisi. Dumila pa sya sa labi. Kinilabutan ako.
"Jackpot talaga ang yayari sa'yo mamaya. Bukod sa ang ganda ganda mo at ang sexy mo, ang sariwa mo pa. Kung hindi nga lang ako yari kay boss gusto kong ako muna ang unang tumikim sayo eh. Siguradong ang sarap mo."
Nanginig ang katawan ko sa takot at pandidiri dahil sa sinabi nya. Muli na namang pumatak ang luha ko. Diyos ko po! Ano ba tong nangyayari sa akin?
Tumawa ang lalaki. "O kita mo? Wala pa nga akong ginagawa sayo nanginig ka na. Sa sarap ba yan o sa takot?"
Hindi ako sumagot. Nakakakilabot ang tawa nilang dalawa.
"Gago, malamang sa takot. Ang panget mo kasi eh!" Sabi ng isang lalaki na nasa pinto.
"Pero mas panget ka dahil kulang ka ng ipin gago!" Bira nya sa lalaki at sabay muli silang tumawa.
"Kumain ka na sexy baka gutom ka na, hayun ang banyo baka naiihi ka na. Maghilamos ka na rin at kalat na ang make up mo." Nakangising sabi nya sabay turo sa pintuang naroon.
Hindi ako sumagot o gumalaw man lang hanggang sa makalabas na ang lalaki at muling nilock ang pinto.
Ilang sandali kong tinitigan ang pagkain na nasa tray na nakalapag sa kama. Sinangag iyon na may tapa at itlog at isang basong malamig na tubig. Bigla akong natakam at nagutom. Pero nagdadalawang isip akong kainin yun. Baka mamaya kung ano ang nilagay nila. Pero naisip ko rin paano ako tatakas kung nanghihina ako sa gutom baka hindi ako makatakbo.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...