chapter 38

33.3K 741 79
                                    

Ivy

Mahigit isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng pangloloob ng takas sa bilangguan na tauhan ni Ka Tano.   Takot na takot talaga ako ng panahon na yun. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking yun. Akala ko magagaya na ako sa mga napapanood ko sa balita na bangkay na lang natagpuan ng mga mahal nila sa buhay. Wala na akong nagawa kundi ang tahimik na umiyak at magdasal. At salamat talaga at dininig ng Diyos ang dasal ko. Dumating si Jeiz at iniligtas ako. Mabuti na lang talaga at walang masamang nangyari sa amin ni manang Sol. Nahuli din naman agad ang suspek.

Ang takot ko noon ay agad ding napalis nang sabihin ni Jeiz na mahal nya ako. Hindi nga ako nakapagsalita eh. Sobrang lakas pa ng tibok ng puso ko noon. At hanggang ngayon ay parang naririnig ko pang sinasambit nya yun. Kaya minsan para akong bulating inasinan sa kilig.

Nang malaman ni papa ang nangyari ay agad syang napasugod sa bahay. Sobrang nag alala sya sa akin. Galit na galit din sya dun sa suspek. Kaya pumunta sya sa presinto at nagsampa na rin ng kaso. Sisiguraduhin daw nyang mabubulok sa kulungan ang suspek pati na ang mga kasama nito. Sa panahon na yon ay ligtas ang pakiramdam ko dahil sa dalawang lalaking promoprotekta sa akin.

Nandito ako ngayon sa tindahan. Napaaga kasi ang labas namin dahil bigla ay hindi pumasok ang prof kaya dito na ako dumiretso. Nag text na lang ako kay Jeiz na malamang ay nasa farm. Nagreply naman syang dito lang ako at wag lalayo.

"Ay grabe naman pala ang nangyari. Nakakatakot!" Bulalas ni Tina ng ikuwento ko sa kanila ang nangyari.

"Buti na lang nailigtas ka ni fafa Jeiz. Siguro mala aksyon star sya habang nililigtas ka nya." Kinikilig pang komento ni Christy habang tinitimbang ang prutas na binili ng customer.

Parang gusto ko syang kurutin sa singit.

"Malamang kawawa ang lalaking yun, sa laking tao ba naman ni ser Jeiz." Ani Tina.

"Sus! Kahit ako kayang kaya ko yun! Malaki lang ang katawan ng Jeiz na yun. Kahit ako kaya ko din sya." Hirit naman ni kuya Manuel.

"Talaga? Sa pagkakatanda ko muntik ka ng ihagis ni ser Jeiz dahil niyakap mo si Ivy eh." Nakataas ang kilay na sabi ni Tina.

Nasamid naman si kuya Manuel sa kinakain nyang dalandan. "Nagulat lang ako nun!"

"Huu! Pasulot ka pa."

"Oy Tina, napapansin ko kanina mo pa ako binabara, may gusto ka sa akin no!" Tukso ni kuya Manuel kay Tina.

Namula naman ang mukha ng kaibigan ko.
"Hoy kuya Manuel, ang kapal ng mukha mo!"

Tumingin naman sa akin si Christy at binigyan ng makahulugang tingin ang dalawang nag aasaran. Muli syang tumingin sa akin at pinagdikit ang dalawang hintuturo. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Mukhang may something sa dalawa. Tinakpan ko na lang ang bibig ko habang nangingiting pinapanood ang dalawang nag aasaran. Wala namang masama kung magkadevelopan sila. Parehas naman silang single.

Maya maya ay dumating na si Jeiz at sinusundo na ako. Dumilim ang mukha niya ng makita si kuya Manuel. Napansin naman yun ni kuya Manuel kaya kunwaring nag angas.

"Pare, kaibigan ko na lang tong si Ivy kaya wag ka ng magselos sakin. Saka isa pa may bago na akong liligawan, itong si Tina na crush na crush ako. Kawawa naman walang nanliligaw." Ani kuya Manuel.

"Ang kapal mo talaga kuya Manuel!" Sikmat ni Tina sabay pukpok ng arinolang may lamang barya sa ulo nito.

"Aray!" Daing ni kuya Manuel na natatawa na lang.

"Tara na?" Aya sa akin ni Jeiz na hindi na pinansin ang sinabi ni kuya Manuel. Hinawakan nya ang kamay ko.

Tumango ako sa kanya at kinuha na ang bag ko. Nagpaalam na rin ako kay Christy na abala sa pagbebenta at sa dalawang nagsasakitan na. Natatawang naiiling na lang ako. Ang sarap ding may mga kaibigan na makukulit. Nakakawala din ng stress.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon