chapter 20

40.9K 798 62
                                    

Jeizhiro

Halos basa kami ni Ivy pagpasok namin ng bahay.

"Dito ka lang Ivy, bubuksan ko lang ang generator." Paalam ko sa kanya.

"Sama na ako sa'yo, b-baka kailangan mo ng tulong." Presinta nya.

"Hindi na kaya ko na."

"P-Pero natatakot ako, ang dilim eh." Pamimilit nya at lumapit pa sa akin sabay hawak sa braso ko. Ramdam ko ang malamig nyang kamay.

Napangiti na lang ako at kinuha ang kamay nya. Tumungo kami sa likod bahay kung saan nakalagay ang generator. Buti na lang ay may stock akong gasolina. Inilawan ako ni Ivy habang pinapagana ko ang generator. At wala pang ilang minuto ay gumana na ito. Bumalik kami sa loob at binuksan ang ilaw. Nagtawanan pa kami ng makita ang hitsura namin dahil para kaming mga basang sisiw.

"Pa'no yan? Basang basa na tayo lalo ka na." Tila namomroblemang sabi nya.

"May mga damit naman ako sa taas. Pwede mo munang ipamalit ang t-shirt ko."

Inaya ko sya taas kung nasaan ang kwarto ko. Ibinigay ko sa kanya ang isang t-shirt ko na dalawang beses ko pa lang nasuot at isang bagong boxer short. Agad naman syang pumasok sa banyo para magpalit, ako naman ay nagpalit na rin.

Halos malaglag ang panga ko ng lumabas sya ng banyo na suot ang t-shirt ko na nagmukhang bestida sa kanya. May bumangong init sa loob ng katawan at may parte ng katawan ko ang nabuhay. Napalunok ako.

"Hindi talaga kasya sa akin ang boxer shorts mo. Bumababa. Ok na sa akin tong t-shirt mo, mahaba naman." Aniya at inabot sa akin ang boxer shorts.

Tumikhim naman ako at kinuha ang boxer shorts at binalik sa drawer.

Nag aya na rin syang bumaba dahil nagugutom na raw sya. Kaya magkahawak kamay kaming bumaba. Pinagsaluhan namin ang pagkain na tinake out namin sa restaurant sa mall.

"Grabe, ang lakas talaga ng ulan. Baka bukas na siguro to titigil." Komento nya habang nakasilip sa bintana sa may kusina habang hinihintay nya akong matapos sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin.

"Bakit? Natatakot ka ba sa malakas na ulan?" Nakangiting tanong ko sa kanya at nagpunas na ng kamay.

"Hindi naman, masarap nga matulog kapag umuulan." Aniya at niyakap pa ang sarili na tila nilalamig.

Niyakap ko sya likuran. Naramdaman ko naman ang pagpitlag nya sa gulat. "Masarap talaga matulog kapag umuulan lalo na kapag may katabi." Anas ko sa tenga nya sabay halik sa pisngi nya at sumubsob sa leeg nya. Gustong gusto ko kasi ang amoy nya. Amoy pulbos ng sanggol. Ang sarap samyuhin.

"T-Talaga, marami naman sigurong unan sa katabing kwarto mo no. Masarap kayakap ang unan kapag umuulan."

Aray ko! Mas gusto pa nyang kayakap ang unan kesa sa akin.

Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya pero sa paraang hindi sya maiipit. "Pa'no naman ako? Ano naman ang yayakapin ko mamaya?" Naglalambing na tanong ko. Baka sakali magpresinta syang sya na lang yakapin ko mamaya pagtulog.

"Eh di unan din, may apat na unan ka sa kwarto mo nakita ko." Sagot nya.

Napakamot na lang ako sa ulo. Ayoko naman syang pilitin dahil baka matakot lang sya.

Pagkatapos ng lambingan namin ay nag aya na syang matulog dahil inaantok na raw sya. Tsinek ko muna ang generator at pinatay ang mga ilaw sa baba at sabay na kaming umakyat sa taas. Nag goodnight kiss sya bago pumasok sa katabing kwarto. Ako naman ay lulugo lugong pumasok sa kwarto ko.

Mukhang mahihirapan akong matulog ngayong gabi..

Pabiling biling ako sa kama at hindi makatulog. Init na init ang pakiramdam ko samantalang malamig naman dahil sa malakas na buga ng aircon idagdag pa ang malakas na ulan sa labas.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon