Ivy
"Ate Ivy!"
Halos sabay na tawag ni Lileth at Kiko sa pangalan ko pagpasok namin ni Jeiz sa bahay ni lola Mila. Sabay silang yumakap sa akin. Niyakap ko rin sila. Pero kapansin pansin ang pangangayayat nila. Tumingin ako kay lola. Tipid syang ngumiti sa akin. Halatang namomroblema sya. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Ganun din si Jeiz.
"Bakit ang papayat nyo ha?" Tanong ko sa dalawang bata. Inabot ko naman kay lola ang dala naming pasalubong.
Yumuko silang dalawa. "Eh kasi, wala ng pagkain sa bahay ate." Tila sumbong sa akin ni Lileth.
Muli akong tumingin kay lola at Jeiz. Nakaupo si Jeiz sa pang isahang sopang kawayan paharap sa akin. Ako naman ay nakaupo sa mahabang sopang kawayan katabi ang dalawang bata.
"Ang sabi nyang dalawa, lagi daw walang pambili ng pagkain ang mama at papa nila. Lagi din silang absent sa eskwela dahil walang baon. Hay, malamang inunang bilhin ang bisyo bago ang pagkain. Hayan tuloy ang nangyari naghihimas silang parehas ng rehas." Ani lola na tila hapong hapo na umupo sa isa pang sopang kawayan.
Bumuntong hininga ako. "Ano na po ang mangyayari kanila tiyang at tiyong lola?"
Ikinumpas nya ang kamay na tila sumusuko na. "Hamo silang makulong, ng magtanda sila."
"Pero kawawa naman po sila mama at papa." Singit ni Kiko.
"Mas kawawa kayo apo hangga't hindi nagbabago ang mama at papa nyo. Pero wag kayong mag alala hindi naman kayo pababayaan ni lola. Hindi naman kayo magugutom dito sa akin dahil marami akong mga tanim."
Naaawa ako sa dalawang bata. Mahirap ang walang magulang na walang gagabay lalo na't ang babata pa nila. Gusto ko sanang tumulong kaya lang ano naman ang maitutulong ko, wala akong trabaho at mag aaral pa lang.
Tumikhim si Jeiz. "Handa po akong tumulong lola."
Napalingon kami ni lola sa kanya. Nakatingin at nakangiti sya sa akin at sa mga bata.
"Naku nakakahiya naman iho, problema naming pamilya to." Ani lola.
"Pamilya ko na rin po kayo lola kaya handa po akong tumulong."
Napakagat labi ako sa sinabi ni Jeiz. Nakakahiya naman sa kanya. Pero kung tutuusin walang wala naman talaga kami eh. Si lola kung may kaunting ipon man ay hanggang saan lang ba ang aabutin.
"Ate sobrang namiss ka namin, ang tagal ka naming hindi nakita. Ang sabi ni mama hindi ka na daw uuwi kasi nag asawa ka na daw." Ani Kiko na nakakapit pa sa braso ko. Halatang miss na miss nya ako. Nginitian ko sya at ginulo ang buhok nya.
"Ate sya ba ang asawa mo?" Tanong naman ni Lileth na nasa kanang bahagi ko. Nakatingin sya kay Jeiz.
Tumingin naman ako kay Jeiz. Bahagya syang nakangisi sa akin. Nag init naman ang pisngi ko.
"O-Oo, sya ang asawa ko. Ang pangalan nya ay Jeiz, tawagin nyo syang kuya Jeiz." Sabi ko sa dalawang bata.
Pinakilala ko naman kay Jeiz ang dalawa.
"Ate mabait ba sya?" Halos pabulong na tanong ni Kiko.
Natawa naman ako. "Oo mabait sya."
"Ang gwapo nya ate." Komento naman ni Lileth.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Ang bata bata pa nya alam na nya ang salitang gwapo.
Tiningnan ko naman si Jeiz. Malawak na ang ngisi nya. Lumaki na naman ang ulo.
Tinulungan ko si lola na maghanda ng pananghalian namin. Dito na rin kami kakain ni Jeiz. Tinolang manok ang iluluto namin. Nagkatay si lola ng isang manok na alaga nya. Namitas naman ako ng papaya sa likod bahay pati na rin talbos ng sili, sinamahan ko na rin ng siling haba. Habang naghihiwa ay patingin tingin naman ako sa munting sala na tanaw sa kusina. Nakikipag kulitan na kasi ang dalawa kong pinsan kay Jeiz lalo na si Kiko. Mukhang game din naman sa kulitan si Jeiz. Naiisip ko tuloy yung magiging anak nya in the future, magiging anak pala namin. Ganito rin siguro sya makipag kulitan.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
Fiksi UmumSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...