Jeizhiro
"Pasensya na kung nakakaistorbo ako sa inyong mag asawa iho." Hinging paumanhin ni Mayor Rodolfo pagkalapag nya ng tasa ng kapeng bagong timpla sa lamesita.
"Wala hong problema mayor." Sabi ko.
"Heto po mayor, magmeryenda po muna kayo." Alok ni Ivy na galing sa kusina at may dalang tray na may lamang puto't kutsinta na may kinayod na niyog. Nilapag nya ang tray sa lamesita.
"Salamat iha." Nakangiting sabi ni mayor Rodolfo na titig na titig na naman sa mukha ni Ivy.
Kanina ko pa nga napapansin ang kakaibang titig nya kay Ivy. Hindi naman nya siguro crush ang asawa ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Ivy ng maupo sya sa tabi ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Nakakatuwa kayong pagmasdan, halatang inlove na inlove kayo sa isa't isa." Nakangiting sabi ni mayor Rodolfo.
Nagkatinginan naman kami ni Ivy. Ngumiti ako sa kanya sabay pisil sa kamay nyang hawak ko. Sya naman ay namumula ang pisngi.
"Salamat ho mayor." Sabi ko na lang. Mukhang nahiya si Ivy sa sinabi ng mayor.
"Pero mukhang bata pa itong asawa mo Jeiz, ilang taon ka na ba iha?" Baling ni mayor Rodolfo kay Ivy.
"N-Nineteen po mayor."
"Nineteen? Aba'y ang bata nga! Matinik ka talaga Jeiz." Komento ng mayor.
Napakamot naman ako sa batok. "Si mayor talaga."
Natawa naman sya. "Naiintindihan naman kita iho, kung ako rin ang nasa posisyon mo hindi ko rin pakakawalan tong magandang asawa mo."
Langya! Mukhang crush pa nga ni mayor si Ivy.
"Sya nga pala, taga saan ka ba iha?"
"Taga dito lang din po ako sa San Martin mayor. Sa kabilang baranggay lang po ako dati nakatira." Mahinhing sagot ni Ivy.
"Ganun ba, mabuti at pumayag ang mga magulang mo na magpakasal ka ng maaga."
"Ah, w-wala na po akong magulang, patay na po ang mama ko. Ang lola at tiyahin ko na lang po ang kasama ko."
Kinulong ko sa dalawang palad ko ang kamay ni Ivy. Alam kong medyo hindi sya komportable na pag usapan ang pamilya nya.
"Eh ang tatay mo?" Usisa pa ni mayor.
Bumuntong hininga si Ivy at lumingon pa sa akin. Tinanguan ko naman sya.
"Hindi ko po alam, pinanganak na po akong hindi sya nakagisnan."
Bahagya namang napaawang ang bibig ni Mayor Rodolfo. "Hindi mo kilala ang tatay mo?"
Umiling si Ivy.
Natigilan naman ang mayor. Parang may gusto syang sabihin.
Tumikhim sya. "Pwede bang.. malaman ang pangalan ng nanay mo iha?"
"Irene po, Irene Crisostomo."
Napakunot noo ako sa reaksyon ng mukha ni Mayor Rodolfo. Para syang tinakasan ng dugo sa mukha.
"Irene.. Crisostomo ang pangalan ng nanay mo?"
"Opo."
Biglang parang hindi mapakali si Mayor Rodolfo sa kinauupuan. Bakas ang samu't saring emosyon sa mukha nya. Tumayo sya at tiningnan ang relo.
"I-I think I need to go iho, m-may pupuntahan pa ako." Paalam nya.
"Ah sige ho." Tumayo na rin ako bagama't naguguluhan sa kinikilos nya. Maging si Ivy din ay bakas sa mukha ang pagtataka.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
قصص عامةSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...