Jeizhiro
"Sgt. Jeizhiro Natividad."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Yñigo Alejos, ang haciendero na kalalabas lang sa opisina ni mayor Rodolfo. Nakangisi syang lumapit sa akin.
Inalahad nya ang kamay. Inabot ko ito.
"Retirado na ako Mr. Alejos." Nakangising sabi ko.
Nagkibit balikat naman sya. "By the way, natanggap mo na ba ang invitation na pinadala ko para sa kasal ko?"
"Yeah, and congratulations Mr. Alejos." Bati ko sa kanya.
Natanggap ko na kaninang umaga ang inbitasyon na pinadala nya para sa kasal nila ng nobya nya. Nakilala ko na ang nobya nya. Maganda ito at mabait parang si Ivy. Sa tingin ko ay hindi sila nagkakalayo ng edad.
"Inaasahan ko ang pagdalo mo pare."
"Makakaasa ka pare."
"Kung may oras ka punta ka sa hacienda, inuman tayo." Aya nya sa akin.
Ngumisi naman ako tumango. "Sure."
"O sige mauna na ko. Sasamahan ko pa si Amira sa check up nya."
"Ingat pare." Nag fist bump pa kami bago nya nilisan ang ikalawapag palapag.
Sumandal ako sa pader habang nakasuksok sa bulsa ang isang kamay at hawak ko naman sa isang kamay ang cellphone. Nagtsi-tsek ako ng mga emails.
"Hi Jeiz!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Ang makulit na secretary ni mayor Rodolfo.
"Mariz ikaw pala." Bati ko sa kanya.
Matamis syang ngumiti sa akin at parang modelong naglalakad na lumapit sa akin. Litaw ang cleavage nya dahil bukas ang ilang butones. Litaw din ang mapuputi nyang mga hita dahil hindi man lang umabot sa kalahati ng hita nya ang maiksing paldang hapit. Maganda sya at maputi. Pero wala syang dating sa akin. Matagal na syang nagpaparamdam sa akin simula pa ng manilbihan ako sa butihing mayor.
"Lunch naman tayo." Aya nya sa akin.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Eksaktong alas dose na pala ng tanghali.
"Sorry Mariz, pero si mayor ang kasama kong mag lunch." Hinging paumanhin ko sa kanya. Si mayor naman talaga ang lagi kong kasama mag lunch bilang personal bodyguard nya.
"Don't worry Jeiz, pinagpaalam na kita kay mayor Rodolfo. Sinabi kong may lunch date tayo kaya pumayag sya." Ngiting ngiti na sabi nya at kumagat labi pa.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Sinabi mong may lunch date tayo? Bakit mo sinabi yun?" Bahagya akong nainis sa ginawa nya. Ayoko sa lahat ng pinangungunahan ako.
Pero mukhang hindi nakakahalata ang babae sa inis sa boses ko.
"Para makapag date tayo ano pa ba?" Natatawang sabi nya. "Dapat nga matagal na nangyari ang lunch date na to eh. Kaso lagi mo kong tinatanggihan. Alam mo bang ang lahat ng tao dito sa munisipyo ay pini-pair tayong dalawa. Bagay na bagay daw tayo." Aniya sa nang aakit na boses. Lumapit pa sya ng husto sa akin at hinaplos ng daliri ang dibdib ko.
Hinawakan ko ang kamay nya at binaba. Lumayo ako ng kaunti sa kanya.
"I'm sorry Mariz, pero hindi pa rin kita mapagbibigyan." Hinging paumanhin ko.
Nawala naman ang ngiti nya at sumimangot. "Na naman! Lagi mo na lang akong tinatanggihan. Panget ba ako?"
Napakamot ako sa noo. "No, hindi ka panget."
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...