chapter 17

34.1K 838 79
                                    

Jeizhiro

Mahigpit ang hawak ko sa manibela at tiim ang bagang habang humahagis sa bilis ang patakbo ko sa raptor kasing bilis ng tibok ng puso ko. Mabuti na lang ay inalam ko na ang address ng bahay ng tiyahin ni Ivy. Kaya mula sa San Agustin ay dito na ako dumiretso sa Santa Martina sa baranggay kung nasaan ang bahay ng tiyahin nya. Paniguradong nandoon sya at kailangan kong bilisan bago pa mahuli ang lahat. Masama ang kutob ko.

I'm coming angel, wait for me!

Hinding hindi ko sila mapapatawad kapag sinaktan nila ang asawa ko. Baka mapatay ko sila. Nang makapasok na ako sa baranggay ay inabot ko ang baril ko  sa dashboard compartment at sinuksok sa loob ng jacket.

Kumalabog ang dibdib ko ng sa malayo pa lang ay nakita ko ang tatlong lalaking nakaabang na mukhang mga armado. Nakita ko rin ang pamilyar na pigura ng babae na nagpupumiglas sa dalawang lalaking may hawak sa kanya at halos kaladkarin sya papasok sa nakabukas na sasakyan.

Ivy!

Mas binilisan ko pa ang patakbo sabay tapak sa preno at hinarang ang raptor ko sa sasakyan nila. Mabilis akong bumaba at dinukot ang baril sa loob ng jacket sabay kasa at tutok sa dalawang lalaking may hawak sa asawa ko.

"Bitiwan nyo ang asawa ko!"

Nagsipaglabasan naman ng baril ang dalawang lalaking nasa tabi ng sasakyan at tinutok sa akin.

Nagsitilian naman ang mga ilang taong naroon na nakikiusyoso.

"Ay may mga baril! Pumasok na tayo sa loob baka madamay pa tayo!"

At isa isa silang nagpulasan pabalik sa kani kanilang bahay.

Tiim bagang tiningnan ko isa isa ang mga lalaking may baril. Ang isang matandang lalaki na kalbo na matikas pa rin ang tindig ngunit ang malaki ang tiyan ay prente langnna naninigarilyo habang nakatingin sa akin. Sa tingin ko ay ito ang leader nila o amo.

"Sino ka?" Tanong ng isang lalaking may hawak ng baril na nakatutok sa akin.

"J-Jeiz..?"

Bumalik ang tingin ko kay Ivy na hawak ng dalawang lalaki. Magulo ang alon alon nyang buhok at luhaan ang mukha. Namumula din ang kanyang pisngi at may sugat pa sa labi. Mukhang sinaktan sya ng kung sinoman sa kanila.

Nagdilim ang paningin ko. Humigpit ang hawak ko sa baril at ngali ngaling kalabitin ang gatilyo para paputukan ang dalawang lalaking may hawak sa kanya. Ngunit hindi ako pwedeng magpadalos dalos ng galaw dahil baka masaktan si Ivy. At sa hitsura pa lang ng mga taong ito ay halatang hindi sila basta basta.

"Bitiwan nyo ang asawa ko." Muli kong utos sa kanila.

"J-Jeiz!" Tawag sa akin ni Ivy at nagpumiglas sa hawak ng dalawang lalaki.

"Sino ka ba? Kung makautos ka ah!" Sigaw ng lalaking may hawak sa asawa ko. Naglabas din sya ng baril at tinutok sa akin. Ganun din ang isa.

"Sino ba tong matapang na to? Ang lakas ng loob ah? Ano? Kaya mo kami? Isa ka lang uy!" Anang isang lalaking may hawak sa kabilang braso ni Ivy.

"Wag! Jeiz!"

"Sino ka?" Maawtoridad na tanong sa akin ng matandang lalaki na matiim na nakatingin sa akin na tila inuuri ako.

"Jeizhiro Natividad, asawa ng babaeng hawak nyo." Pakilala ko. Walang silbi kung pananaigin ko ang galit ko sa mga taong to. Malalagay kami sa panganib ng asawa ko.

Napansin ko namang natigilan sila at nagtinginan.

"Asawa? Anong asawa? Walang asawa ang pamangkin ko." Sabat ng isang babae na lumapit sa amin. May kasama syang lalaki. Sila ang tiyahin at tiyuhin ni Ivy.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon