This story is dedicated to okeebyebye thank u sa pagpapagamit ng name mo. 😊♥️
Ivy
Napaigtad ako ng marinig ko ang pabalibag na pagsara ng pinto sa sala kasunod nun ang malulutong na palitan ng mura nila tiyang Linda at tiyong Oca.
"Nag aaway na naman sila." Sabi ng sampung taong gulang kong pinsan na babae.
"Wag mo na silang pansinin Lileth. Kumain ka lang ng kumain para makapasok ka na sa school." Sabi ko at sinandukan pa sya ng sinangag. Si Kiko naman naman na pitong taong gulang ay sinaway ko sa paglalaro ng pagkain.
Hindi na bago sa akin ang pag aaway nila tiyong at tiyang sa umaga. Wala yatang raw na hindi sila nag aaway. At ang lagi nilang pinag aawayan ay pera.
Mabilisan na lang din akong kumain para makapag ligpit na. Kailangan ko agahang pumunta sa tindahan dahil late ako kahapon. Baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene.
"Ate tapos na ako." Sabi ni Kiko. Ubos na ang laman ng plato nya.
"O sige na, maghugas ka na ng kamay sa lababo."
Tumalima naman sya. Sumunod na rin sa kanya si Lileth na tapos na ring kumain. Inayos ko muna ang mga suot nilang uniporme. Si Lileth ay tinalian ko ang buhok at si Kiko naman ay pinulbusan ko at nilagyan ng bimpo sa likod.
"Hayan! Ang linis at ang bango nyo nang tingnan." Nakangiting sabi ko. Para ko na rin kasi silang nakababatang kapatid.
"Salamat ate. Pasok na po kami." Paalam nila sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
Bumalik naman ako sa kusina para magligpit at maghugas ng pinggan. Sila tiyong at tiyang ay nagtatalo pa rin.
Tapos na ako sa paghuhugas at nagpunas ng kamay ng pumasok sa kusina si tiyong Oca kasunod si tiyang Linda.
"Ivy ipagtimpla mo nga ako ng kape!" Utos ni tiyong Oca.
"Ikaw na ang magtimpla at papasok pa sa tindahan yan." Sabat naman ni tiyang Linda.
Hindi na nagsalita si tiyong Oca at padabog na kumuha ng tasa.
"Papasok ka na ba?" Nakapamewang na baling sa akin ni tiyang habang nakataas pa ang kilay nya.
"Opo tiyang. Kailangan ko pong agahan dahil baka pagalitan na naman ako ni Ka Ene, late na kasi akong pumasok kahapon eh."
"Aba'y kasalanan mo naman dahil tanghali ka na nagising."
Hindi naman ako tinanghali ng gising kahapon. Masayado na ngang maaga ang alas kwatro dahil pinaglaba pa nya ako. Nagluto pa ako ng agahan at inasikaso pa sila Lileth at Kiko.
Hindi na lang ako sumagot at baka batukan nya ako.
"Di ba sahod mo na mamaya? Iintrega mo sa akin dahil magbabayad tayo ng kuryente at baka maputulan na naman tayo." Dagdag pa nya.
"Po?"
"Aba'y nabingi ka na. Ang sabi ko iintrega mo sa akin ang sahod mo dahil magbabayad tayo ng kuryente." Ulit nya.
Magpoprotesta sana ako pero matalim na ang tingin nya sa akin. Tumango na lang ako. Wala namang mangyayari kung aangal pa ako. Bukod sa sasapukin nya ako ay male-late pa ako sa pagpasok.
Nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.
Sukbit sukbit ang luma kong shoulder bag ay mabilis na akong naglakad. May oras pa naman ako para maglakad at hindi malate sa tinakdang oras ng pasok ko. Kailangan ko kasing magtipid. Siguradong simot ang sahod ko mamaya at walang matitira sa akin. Mabuti nga at libre ang pananghalian at meryenda sa tindahan.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
Narrativa generaleSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...