chapter 34

32.6K 763 41
                                    

Ivy

"Magandang hapon po Mayor Rodolfo." Nakangiting bati ko kay Mayor Rodolfo.

"Pasok ho kayo mayor." Aya ni Jeiz.

"Salamat Jeiz, Ivy.." Nakangiting sabi nya  at pumasok na sa loob.

Nginitian ko naman si Danilo at Allan pati na rin ang dalawang tauhan na kasama ni mayor. Nginitian din nila ako at sinaluduhan. Nagpaalam ako kay Jeiz na gagawa ng tsaa sa kusina at kukuha na rin ng meryenda.

"Napapansin ko napapadalas yata ang pagdalaw ng mayor ng San Agustin." Untag ni manang Sol na naglalagay ng kakanin sa plato at nilagay sa tray. Ako naman ay nagtimpla ng isang tasang tsaa at limang tasang kapeng barako na galing kay lola.

"Oo nga po eh, pero sabi nya ay may pinupuntahan daw sya dito sa bayan at dumadaan muna dito sa bahay bago umuwi." Kung hindi ako nagkakamali ay pangatlong beses ng pagdalaw ng mayor dito sa bahay. Wala namang problema dahil mabait naman ito at masarap ding kakwentuhan.

"Pero alam mo, magaling na mayor yan. Umunlad nga ang bayan ng San Agustin dahil sa kanya. Sana kagaya nya ang bagong mayor natin dito sa bayan." Komento ni manang Sol. 

"Sana nga po manang, pero malay nyo baka matino ang bago nating mayor ngayon."

"Sana nga." Segunda nya.

Ang dating Vice Mayor ng bayan na ito ay sya ng Mayor ngayon. At umaasam ang lahat ng tao sa bayan na ito ng tapat na pamumuno. Salat kasi sa kaginhawaan ang karamihan sa mamamayan ng bayan ng Santa Martina at talamak pa sa krimen.

Magkatulong namin hinatid ang meryenda sa sala. Naabutan kong nagkukuwentuhan si Mayor Rodolfo at si Jeiz. Saglit silang nahinto ng dumating kami. Maingat kong nilapag ang tray na may lamang tasa ng  tsaa at kape. Nilapag ko ang isang tasa ng tsaa sa harap ni Mayor Rodolfo at kape Nan kay Jeiz.

"Salamat iha." Nakangiting sabi ni Mayor Rodolfo at kinuha ang tasa ng tsaa. Tinawag rin nya ang apat na tauhan na nasa labas para pagkapehin at pagmeryendahin.

"Sa lunes na pala ang balik eskwela mo iha." Untag ni Mayor Rodolfo.

Ngumiti ako sa kanya. "Opo mayor."

"May maitutulong ba ko?" Alok nya.

"Naku salamat po, pero inasikaso na ni Jeiz lahat ng pangangailangan ko sa pag aaral." Sabi ko.

"Ganun ba." Aniya at matipid na ngumiti. Nakita ko pa ang pag guhit ng lungkot sa mata nya bago humigop ng tsaa.

Tumikhim si Jeiz. "Kamusta na ho pala ang pakikipagpulong nyo kay Mayor Restituto?"

Nilapag ni Mayor Rodolfo ang tsaa sa platito at hinarap si Jeiz. "Maayos naman iho, at naniniwala akong magiging maayos ang pamumuno nya sa bayang ito."

"Mabuti naman ho kung ganun, sana ay tutukan din nya ang krimen sa bayang ito nang sa ganun ay mapanatag ang lahat ng mamamayan dito. Lalo na ako." Ani Jeiz at tumingin pa sa akin sabay pisil sa kamay kong hawak nya.

Nginitian ko naman sya.

"Yun din naman ang sisiguraduhin ko iho, at hindi ko na hahayaan pang maulit ang bagay na yun." Segunda ni Mayor Rodolfo. Parang may iba pang kahulugan ang sinabi nya.

Nagtagal pa ng halos dalawang oras ang mayor sa bahay. Nakipag kwentuhan lang sya sa amin ni Jeiz, mas madalas pa ngang ako ang kausap nya. Nakikipag biruan pa sya kung minsan. Parang ang gaan gaan ng loob ko habang kausap ko sya. Inaya pa nya kami ni Jeiz na pumunta sa bahay nya isa sa mga araw na ito.

***

"Bye Jen, kita na lang tayo bukas." Paalam ko sa kaklase at bagong kaibigan. Kumaway naman sya sa akin at ngumiti.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon