chapter 22

39.7K 805 43
                                    

Jeizhiro

Naalimpungatan ako sa ingay na lagabog na parang may nalaglag. Dinilat ko ang mata. Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na tumatagos sa blinds ng salaming bintana. Mukhang tumigil lang ang ulan kaninang madaling araw. Nagpalinga linga ako. Kumalabog ang dibdib ko ng makitang wala sa tabi ko ang asawa ko.

"Ivy." Tawag ko sa pangalan nya. Tuluyan na akong nagising.

"J-Jeiz.. aw.." Narinig kong daing nya.

Bumalikwas ako ng bangon. Sa sahig ko sya nakita at nakasalampak habang sapo ng isang kamay ang ibaba ng puson at kipkip naman ng isang kamay ang kumot na nakabalot sa katawan nya.

"What happened?" Natatarantang tanong ko at dinaluhan sya.

Napaawang ang labi nyang pinasadahan ako ng tingin at nagtagal ang mata nya sa ibabang bahagi ko kasabay ng pamumula ng pisngi nya. Lihim naman akong napangisi. Wala kasi akong suot kahit na ano.

Tumikhim ako. "Anong nangyari sa'yo?" Pag agaw ko sa atensyon nya.

Nag angat naman sya ng tingin sa akin. "A-Ano kasi.. ang sakit ng a-ari ko.. hindi ako makatayo ng maayos." Nahihiyang sabi nya.

Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Normal lang naman na sumakit at mahirapan syang tumayo dahil inangkin ko sya kagabi. Labis labis ang sayang nadama ko magpasa hanggang ngayon dahil sa wakas naangkin ko na sya ng tuluyan. Bonus pa na birhen sya.

Tumawa ako.

Ngumuso naman sya. "W-Wag mo na akong tawanan, masakit na nga eh." Apila nya.

Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang pagngiti. "Sorry angel, masaya lang ako.."

"Mukha nga.." Mahinang usal nya na narinig ko naman.

Muli akong tumikhim. "Bakit ka ba kasi bumangon?" Malambing na tanong ko.

"Eh kasi naiihi na ako eh."

"Ok, tulungan na kita." Walang ano ano ay hinablot ko ang kumot sa katawan nya at hinagis sabay buhat sa kanya.

Mabilis naman nyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Uy! Yung kumot."

"Di mo na kailangan yan." Natatawang sabi ko.

"P-Pero -- "

"Nahihiya ka pa sa akin?"

Namula na naman ang mukha nya.

Hinalikan ko naman sya sa sentido. "Hindi mo na kailangan mahiya. Nakita ko na ang lahat sa'yo. Nahawakan, nahalikan at nadilaan. At higit sa lahat asawa mo ko, kaya hindi mo kailangan mahiya. Gaya ko, hindi na ako nahihiya sayo."

Kumagat labi naman sya ng ilang sandali. "Oo na, dalhin mo na ako sa banyo. Ihing ihi na ako."

Natawa akong muli. Ito ang isa ko pang gusto sa kanya. Madali syang kausap. "Yess boss!"

"Boss ka dyan, mas mukha ka pa ngang boss kesa sakin eh."

"Pero sa ating dalawa, ikaw ang boss. Ako, ako'y alipin mo kahit hindi batid." Pakantang sabi ko sa huli.

Tumawa naman sya. "Ang korni mo na Jeiz."

"Korni ba? Sorry naman, sinusubukan ko lang maging romantic na asawa." Nakangising sabi ko.

"Pasalamat ka na lang gwapo ka." Natatawang sabi nya.

Napakagat labi ako. Heto na naman at kinikilig ako. "Gwapong gwapo ka talaga sa akin no."

"Oo na po, noong una pa lang kita nakita kaya dali na dalhin mo na ako sa banyo. Ihing ihi na talaga ako." Kinawag kawag pa nya ang dalawang binti nya.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon