Ivy
"Ay jusko! Ivy apo! Ikaw ba yan?" Bulalas ni lola Mila ng pagbuksan nya ako ng pinto. In-adjust pa nya ang suot na salamin.
"Lola.." Naluluhang sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Ikaw nga, apo ko." Mangiyak ngiyak din na sabi ni lola at niyakap din ako.
"Alalang alala ako sayo apo ko, gabi gabi akong nag iisip at nag dadasal na sana ligtas ka at magpakita sa akin. Salamat sa Diyos at dininig ang panalangin ko."
"Ayos lang po ako lola, ligtas na po ako. Nang malaman ko na hinanap nyo ako pumunta agad ako dito." Agad namang pumayag si Jeiz ng magpaalam akong puntahan namin si lola. Kahit nakabusangot ay pumayag naman sya. Bumili pa nga sya ng mga prutas para kay lola. Idinaan muna namin ang mga abono sa farm bago dumiretso dito.
"Ang sabi sa akin ni Linda, nag asawa ka na daw. Sya ba ang asawa mo?" Ani lola na tumingin sa gawing likuran ko.
Saka naman lumapit si Jeiz at kinuha ang kamay ni lola. "Mano po lola." Magalang nyang sabi. "Ako po si Jeizhiro Natividad, asawa po ng apo nyo."
Sandaling hindi makapag salita si lola at nakatitig lang kay Jeiz at sa akin. Napapa isip tuloy ako kung alam ba nya kung ano ang totoong nangyari sa akin sa kamay nila tiyang Linda at tiyong Oca.
Nagulat na lang ako ng umiyak sya. "Pasensya ka na apo sa ginawa sayo ni Linda at Oca. Kahit ako hindi ko sila kayang patawarin. Hindi ko lubos maisip kung bakit nakayang gawin sayo yun ni Linda. Patawarin mo rin ako dahil wala akong magawa."
Hinagod ko ang likod nya. Ako man ay naiiyak din pero pinigil ko lang ang luha ko.
"Wala po kayong kasalanan 'la. Wag nyo pong sisihin ang sarili nyo." Pag aalo ko sa kanya.
"Kahit na, binilin ka sa akin ni Irene bago sya pumanaw. Pero ano ang nangyari? Napahamak ka wala man lang akong alam." Humikbi nang sabi nya.
Niyakap ko ulit sya. "Maiintindihan naman yun ni mama kung nasaan man sya. At sa palagay ko ay ginagabayan din nya po ako, tayo. Kita nyo, ligtas po ako. Nagkita po ulit tayo." Yun din naman kasi ang pakiramdam ko. Sa tuwing magdadasal ako ay laging kasama si mama kaya pakiramdam ko binabantayan din nya ako at ginagabayan.
Tumango tango naman si lola at bumitaw na ng yakap at ngumiti. Pinahid nya ang luha. "Tama ka apo, ginagabayan nya tayo. Hala, pumasok muna kayo sa loob." Aya nya sa amin ng makalma na.
Inakbayan naman ako ni Jeiz papasok sa munting bahay ni lola. Umupo kami sa sopang kawayan. Inabot ni Jeiz kay lola mga prutas.
"Naku, hindi na sana kayo nag abala."
"Maliit na bagay lang ho lola." Ani Jeiz.
Ngumiti naman si lola. "Salamat iho."
Pumunta ng kusina si lola. Ako naman ay nilibot ang munting sala ni lola. Naalala ko dati noong nabubuhay pa si mama, palagi akong nandito. Pero nung namatay na si mama ay bihira na lang dahil pinagbabawalan ako ni tiyang Linda. Gusto ko nga noon kay lola na lang sumama kaya lang ang sabi ni tiyang Linda ay magiging pabigat lang daw ako dahil dagdag pakainin pa ako ni lola. Kaya wala na akong nagawa noon kundi magtiis kanila tiyang at gawing utus utusan. Pero hindi na ngayon. Dahil parang prinsesa na ako sa bagong buhay ko ngayon. At salamat sa lalaking katabi ko. Ang asawa ko.
Nilingon ko si Jeiz na saktong tumingin din sa akin. Nginitian ko sya. Ngumiti din sya at hinawakan ang kamay ko. Nawala na rin ang paninilim ng mukha nya.
"Heto, magkape muna kayo at nilagang saging at kamote." Ani lola na may hawak na kahoy na tray na may nakapatong na dalawang umuusok na kape at isang mangkok na malaki na yari sa kahoy na may lamang nilagang saging at kamote.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...