Ivy
Mas lalo pang kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng pumasok na ang tricycle na lulan namin sa bayan ng Consolascion. Ito ang sentro ng kalakaran sa probinsya ng Kalinaw. Maraming mga establishment at puntahan talaga ng mga tao. Pero talamak ang krimen at ilegal na gawain. Sa unang baranggay pa nga lang ay hilera na ang mga beer house at damadagundong ang tugtog sa speakers na nasa labas at nakatapat sa kalsada. Pero ayun na rin sa mga chismis na naririnig ko ay hindi lamang simpleng inuman ang nagaganap sa loob ng beer house. Talamak din ang bentahan ng laman.
Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ng pumasok ang lulan naming tricycle sa gilid ng isang beer house. Sa likod nito ay may malaking lumang bahay.
"T-Tiyang a-ano pong gagawin natin dito?" Kinakabahang sabi ko.
"Basta! Malalaman mo mamaya! Umayos ka nga dyan para kang natataeng hindi maintindihan." Asik nya sa akin.
"T-Tiyang umuwi na po tayo.." Mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Hindi ka ba titigil? Gusto mong masaktan?" Sikmat nya sabay sabunot sa buhok ko.
Tuluyan na akong naiyak.
"Tumahimik ka! Wag kang umiyak! Kapag nabura yang make up mo masasampal kita!"
Kinagat ko na lang ang labi ko at tahimik na umiyak.
Hanggang sa makababa na kami ng tricycle at umalis na ito. Tinanaw ko na lang ito ng tingin.
"Halina kayo!" Ani tiyong Oca na nauna na sa amin papasok sa kahoy na double door na may bantay na dalawang lalaki na naninigarilyo.
Mahigpit na hawak ni tiyang ang braso ko at pakaladkad akong hinila. Halos matipalok na ako sa suot kong high heels.
"Tiyang ayoko po!" Iiling iling na sabi ko at hinihila ang brasong hawak nya.
Lumapit sya sa akin at pinandilatan nya ako ng mata sabay tampal ng malakas sa pisngi ko.
Dinuro nya ako. "Tumigil ka ha! Kapag hindi ka sumunod sa akin tatamaan ka na! Nakita mo yung dalawang lalaki sa may pinto? Yun ang yayari sa'yo kapag hindi ka sumunod!" Mahinang asik nya sa akin.
Nawindang ako sa sinabi nya kasabay ng pangangatal ng katawan ko sa takot.
"Ano ba kayong dalawa! Bilisan nyo na nga dyan!" Tawag ni tiyong Oca na kausap ang dalawang lalaki.
"Halika na! Naiinip na sila!" Ani tiyang at hinila na ako.
Nagpalinga linga ako. Bukod sa dalawang lalaki sa harap ng pinto ay may dalawa pang lalaki sa bungad ng maliit na daan na pinasukan namin. Mukha silang bantay at naninigarilyong nakatingin sa amin. Kahit tumakbo ako ay hindi ako makakatakas dahil siguradong hahabulin nila ako. Isama pa na ang suot kong sandals ay mataas ang takong.
"Yan na ba yun?" Tanong ng isang lalaki na may malaking katawan at may tattoo sa leeg. Hinagod pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi sya. "Ang ganda nito ah!"
"Sabi ko naman sa inyo eh! Maganda talaga tong si Ivy. Virgin pa yan!" Anang tiyang Linda na ngiting ngiti pa.
Kinilabutan naman ako sa sinabi nya at sa tingin sa akin ng dalawang lalaki.
"Tiyang.." Naiiyak na tawag ko sa kanya.
"Tumahimik ka!" Pabulong na asik nya.
"Teka, nasaan pala si Ka Tano?" Tanong ni tiyong Oca.
"Nasa loob, busy." Nakangising sabi naman ng isang lalaki na may mahabang buhok.
Ngumisi din si tiyong Oca. "Eh di pa'no yan? Hindi ba kami pwedeng pumasok sa loob? Ngayong gabi ang usapan namin eh."
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...