Ivy
Matulin na lumipas ang araw. Hanggang sa sumapit na ang araw ng kasal. Nasa harap kami ngayon ng judge saksi ang ilang mga taong malapit sa amin. Si manang Sol, si Mang Teofilo at ilang mga kasama sa cacao farm at ang dalawang staff ng judge.
"..it is my honor and delight to declare you husband and wife. You may seal this declaration with a kiss." Anang judge.
Nagharap kami ni Jeiz. Bumundol ang kaba sa dibdib ko ng gawaran nya ako ng halik sa gilid ng labi sabay ngiti. Nininerbyos na ngumiti naman ako.
"I am pleased to present the newlyweds, Mr. and Mrs. Natividad!" Anunsyo ng judge kasabay ng palakpakan ng mga naroon.
Kasal na ako. May asawa na ako.
"Congratulations iho, hanggang ngayon ay nabibigla pa rin ako sa biglaan mong pagpapakasal, para kang may hinahabol. Pero nang makita ko itong nobya mo na misis mo na ngayon ay naiintindihan ko na. Dapat mo na ngang itali dahil baka maagaw pa ng iba." Bating may kasamang komento ng judge.
Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Ang ngiti ko ay naging ngiwi na.
Tumawa naman si Jeiz. "Samalat ho tito Ernesto."
Malayong kamag anak daw ng yumaong papa nya ang judge kaya naging madali lang ang naging proseso ng kasal namin. Legal ang kasal namin. Sari sari ang nararamdaman ko ngayong kasal na at may asawa na ako. Kaba, takot at pangamba.
"Congratulations Ivy. Masaya ako para sa inyo ni sir Jeiz." Masayang bati ni manang Sol at hinawakan ang kamay ko.
Nginitian ko sya. "Salamat po manang Sol."
"Alagaan mo si sir Jeiz ha."
"Manang naman kung magsalita kayo parang aalis kayo ah." Nakangusong sabi ko.
Tumawa sya. "Syempre nandito pa rin ako para manilbihan sa kanya, sa inyong mag asawa, pero dahil ikaw na ang asawa mas ikaw ang dapat mag alaga sa kanya. Alam ko namang magagampanan mo yun dahil napakabait mo."
Napakagat labi naman ako sa sinabi nya. "Manang alam nyo naman ang dahilan kung bakit kami nagpakasal di ba?"
"Alam ko, pero legal ang kasal nyo. Nasa papel. May karapatan kayo sa isa't isa bilang mag asawa. Magkahati sa lahat. Sa lungkot at ligaya. Sa hirap at sarap."
Natigilan ako sa sinabi nya. "A-Ano pong ibig nyong sabihin."
Mapanukso syang ngumiti. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin. Nag init naman ang mukha ko.
"N-Naku manang hindi po mangyayari yan, ang usapan lang namin ni Jeiz sa papel lang kami kasal. At saka ginagawa lang po ang bagay na yun ng mga taong nagmamahalan."
"Tama ka, pero marami pang pwedeng mangyari sa mga araw na darating na magkasama kayo."
Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni manang Sol.
Binati din ako ng mga tauhan sa farm. Lahat sila ay may masayang ngiti sa mukha. Nag aya ng umuwi si Jeiz at mayroong kaunting salo salo sa bahay na pinahanda nya para sa ilang bisita. Inimbitahan din nya si judge pero tumanggi ito dahil may appointment pa sa kapitolyo.
Inabala ko ang sarili ko sa pag aasikaso sa mga bisita. Inimbitahan din kasi nya ang mga kapitbahay nya. Dito lang naman sa malawak na bakuran ng bahay dinaos ang handaan. Nagpa cater na lang sya para hindi na mapagod mag luto si manang Sol.
"Ivy, bakit ikaw pa ang nag aasikaso dyan." Kunot noong lumapit sa akin ni Jeiz. Abala kasi ako sa pagpupunas ng mga kutsarang gagamitin ng mga bisita.
"Ayos lang, wala naman akong ginagawa eh." Nakangiting sabi ko.
Bumuntong hininga naman sya. "Kahit na, baka mapagod ka."
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...