Jeizhiro
Masamang tingin ang ibinigay ko sa dalawa kong kaibigan na kanina pa ako binubuska tungkol sa edad namin ni Ivy. Siguro nahiya na lang si Ivy kaya nagpaalam munang pupuntang kusina.
"Hindi pa ba kayo tapos?" Untag ko sa kanilang dalawa na kanina pa tawa ng tawa. Sarap pagbabarilin eh.
Napangiwi ako ng kumirot ang sugat ko sa tagiliran sanhi ng daplis ng bala ng baril kanina. Nalinis naman ito ng doctor at natahi.
"Ayos ka lang pare?" Tanong ni Kester ng mapansing nakangiwi ako.
"Malayo yan sa bituka." Nakangising sabat ni Lorenzo at kumuha pa ng isang egg pie sa tray sabay kagat ng malaki.
"May tama ka?"
"Hinaan mo boses mo marinig ka ng asawa ko." Saway ko kay Kester. Ayoko kasing malaman ni Ivy na may daplis ako ng baril siguradong mag alala sya.
Tinikom naman ni Kester ang bibig nya habang ngingisi ngisi naman si Lorenzo.
"Ano nga palang balita Lorenzo?" Untag ko sa kaibigan.
Mukhang nakalimutan na nya ang pakay nya eh. Inuna pa ang pang aasar.
Umahon sya sa pagkakasandal at umupo ng tuwid. Tinungga nya muna ang lata ng beer bago ako hinarap.
"Patay na si Tanato Socoro o mas kilalang Ka Tano." Imporma nya.
Napaawang naman ang labi ko sa sinabi nya. "Anong nangyari?" Kunot noong tanong ko. Nang puntahan ko ito sa himpilan ng pulisya ay buhay pa ito.
"Nabaril ko."
Matiim ko syang tiningnan.
"Nang agaw sya ng baril kanina at pinaputukan ang dalawang kasamahan naming pulis kaya pinaputukan ko. Hayun, dead on arrival sa hospital. Hindi ko naman akalain na napuruhan ko sya."
Namayani ang sandaling katahimikan. Ako naman ay napahimas sa batok. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan ko. Ginawa lang nya ang nararapat.
Tumikhim si Kester. "Well atleast hindi na sya makakapaghasik ng krimen ngayon, yun nga lang natakasan nya ang sentensya nya."
Bumuntong hininga ako. "Eh yung mga tauhan nya?"
"Nasa kulungan na, wag kang mag alala mahigpit ang bantay. Sunod sunod nang nagdatingan ang mga reklamo at nagsampa ng mga kaso. Si Mayor Esver at si hepe naman ay parehas ng nakadetained. Malakas ang ebidensya laban sa kanila at mahihirapan silang lusutan ito kahit sino pang magaling na abogado ang magtanggol sa kanila."
Tumango tango ako. "Mabuti naman kung ganun, ayokong masayang ang mga ginawa natin."
Pinasalamatan ko din ang kaibigan dahil sa malaking tulong nya sa akin. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi magtatagumpay ang planong masakote ang mga kriminal na yun. May panghihinayang man sa loob ko dahil namatay agad si Ka Tano ay mapapanatag naman ako para sa kaligtasan ng asawa ko lalo na at magbabalik eskwela na sya.
***
"Ah!" Daing ko ng linisan ko ng maligamgam na tubig ang gilid ng sugat ko. Sariwa pa ang sugat at bahagyang nagdurugo pa. Pero wala ito kumpara sa mga tama ng baril na naranasan ko sa pakikipagbakbakan sa bundok.
Hindi lang ako naging maingat kanina kaya nahagip ako ng bala galing sa panig ng mga tauhan ni Ka Tano kanina. Mabuti na lang ay agad namin silang nasukol at nahuli.
Napapitlag pa ako at bahagyang nataranta ng bumukas ang pinto ng banyo.
"Ano yan? Bakit may sugat ka?" Bulalas ni Ivy na nakita na ang pinakatatago kong sugat kanina. Fuck! Nakalimutan kong i-lock ang pinto.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...