chapter 18

35.9K 798 69
                                    

Ivy 

"Ay jusko Ivy! Salamat sa Diyos at ligtas ka!" Bulalas ni manang Sol pagbaba ko ng sasakyan. Agad nya akong sinalubong ng yakap. Naiiyak na yumakap din ako sa kanya. Salamat din sa Diyos at ok lang sya.

Tiningnan ko ang ilan naming kapitbahay na narito pa rin pala, nakangiti sila sa akin at bakas sa mukha ang tuwa na makita ako.  Nginitian ko din sila at nagpasalamat dahil hindi nila pinabayaan si manang Sol. 

"Pumasok muna tayo sa loob para magamot yang mga pasa mo." Untag ni Jeiz at magaang hinawakan ako sa braso.

Inutusan na rin sya si manang na kunin ang ilan kong gamit na naiwan sa loob ng sasakyan habang dala dala naman nya ang malaking bag ko na naglalaman ng mga damit ko at ilang personal na gamit. Nag paalam na rin ang mga kapitbahay namin na naroon. Pinasalamatan naman sila ni Jeiz.

"Manang, pakuha naman ako ng cold compress at medicine kit. Paakyat na lang ho sa kwarto ni Ivy." Utos ni Jeiz kay manang.

"Sige iho, isusunod ko na."

Inakay naman ako ni Jeiz paakyat ng hagdan hanggang sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at sya naman ay nilapag ang bag sa pang isahang sofa na naroon.

Hinang hina pa rin ako at masakit ang katawan ko. Ngunit ligtas na ang pakiramdam ko dahil nandito si Jeiz. Iniligtas nya ako. Akala ko nanaginip lang ako kanina. Hindi rin ako makapaniwala na binayaran nya ng ganoong kalaking halaga ang mga demonyong yun. Nahihiya tuloy ako sa kanya.

Napayuko ako at napakagat labi. Naging masaklap talaga ang buhay ko simula ng mamatay si mama. At hulog ng langit si Jeiz sa akin. Bumuntong hininga ako.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?"

Nag angat ako ng tingin. Nag aalalang nakatingin sa akin si Jeiz. Hinila nya ang upuan na nasa vanity mirror at umupo paharap sa akin.

"Iho heto na ang cold compress at medicine kit." Ani manang Sol na pumasok sa kwarto.

Kinuha naman ni Jeiz ang bitbit nya at nagpasalamat.

"May kailangan pa kayo?"

"Wala na ho manang, magpahinga na rin ho muna kayo."

"Naku ayos lang ako sir Jeiz, hindi naman ako napano. Nag alalala lang talaga ako dito kay Ivy."

Nginitian ko naman si manang. Maswerte pa rin ako dahil may mga taong kagaya nya at ni Jeiz na may malasakit sa kapwa.

Nang iwan na kami ni manang ay ginamot na ni Jeiz ang sugat ko sa gilid ng labi. Nilagyan nya ito ng betadine pagkatapos ay ang pasa ko naman sa pisngi dulot ng sampal ni tiyang Linda ang ginamot nya. Napapalatak pa sya. 

"Aw!" Daing ko ng bahagya nyang madiinan ang pagdampi ng cold compress sa pisngi ko.

"Sorry, sorry." Hinging paumanhin nya. Nagsalubong pa ang kilay nya. Seryosong seryoso ang mukha nya sa ginagawa kagaya noong gamutin din nya ang cheek bone kong aksidente nyang nasiko.

Napahimas ako sa mga braso ng makaramdam ako ng kirot doon. Lumipad naman ang tingin nya sa mga braso ko.

"Fuck! May mga pasa ka!" Bulalas nya. Binitawan nya ang hawak na cold compress at sinuri ang mga braso ko. May mga pasa na nga rin ang mga ito. At sa tingin ko ay dahil sa pagkakahawak sa akin ng dalawang lalaki kanina.

Nagmura sya ulit. Naulinigan ko pang may inusal sya pero hindi ko naman maintindihan. Bakas lang sa boses at mukha nya ang galit. Madilim ang mukha nya at nag iigtingan ang panga habang nakatingin sa mga braso kong may pasa.
Walang salitang kinuha nya ang cold compress at maingat na dinampi dito. Wala syang kibo sa buong durasyong ng pag gamot sa akin.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon