Jeizhiro
"Ginulat mo naman ako Jeiz, bigla bigla may asawa ka na. Ni hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal mo. Tapos ngayon hihingi ka ng leave." Ani Mayor Rodolfo ng ipatawag nya ako sa library nya na nagsisilbing opisina rin nya sa mansion.
Napakamot naman ako sa ulo. "Pasensya na ho mayor, biglaan ho talaga ang plano naming kasal."
Bumuntong hininga sya at sumandal sa leather chair nya. Iminuwestra pa ang kamay sa akin. "Ano pa bang magagawa ko? Sa hitsura mo pa lang ngayon mukhang patay na patay ka sa asawa mo." Aniya sa seryosong mukha pero bakas ang biro sa tono nya.
Napangisi na lang ako. "Di bale ho, kapag kinasal kami sa simbahan ay hindi ko ho kayo kalilimutan. Kukunin ko pa ho kayong ninong."
Tinuro nya ako. "Aba'y dapat lang!"
Nagtawanan naman kami. Pero naputol ang tawanan namin ng tumunog ang cellphone nya. Nagpasintabi naman sya para sagutin ito.
Sumandal naman ako sa backrest ng visitor chair at ginala ang mata sa loob ng library habang hinihintay matapos sa pakikipag usap ang mayor. Muling dumako ang mata ko lamesa nya. Samu't saring mga papel ang nasa malapad na lamesa pero organisado naman ang pagkakalatag nito. May napansin akong lumang picture ng isang babae ang nakaipit sa isang notebook. Nakangiti ang babae sa lumang picture at tila hinahangin ang alon alon nitong buhok. Hindi ito ang yumao nyang asawa. Nakita ko na ang yumao nyang asawa sa malaking picture na nakasabit sa sala. At ang alam ko rin ay wala syang kapatid. Maaaring isa sa mga babaeng naugnay sa kanya sa nakaraan ang nasa larawan.
Well, wala namang masama kung magka interes uli sa babae ang mayor dahil matagal na itong biyudo at ni hindi man lang nabiyayaan ng anak. Matikas pa naman ito sa kabila ng katandaan. Nababakas pa rin sa mukha ang gandang lalaki nito noong kabataan.
"Pasensya na iho sa paghihintay. Bueno, tungkol sa paghingi mo ng isang buwang leave ay pinapayagan na kita."
Tumayo ako at ngumiti. "Salamat ho mayor at pasensya na ho sa abala."
Kinumpas nya ang kamay. "Sus wala yun. Isang araw dadalawin ko kayo ng asawa mo sa Santa Martina para makilala ko naman ng personal ang asawa mo."
"Wala hong problema mayor, magsabi lang ho kayo kung kelan para mapaghandaan ko."
Nagpaalam na ako sa kanya dahil may lakad pa kami ng asawa ko.
Wala sa sariling napangiti ako. Ang sarap lang sabihin ang salitang asawa ko. Ang babaeng crush ko at tinatanaw tanaw ko lang noon sa tindahan ay asawa ko na ngayon.
"Sarge ang lawak ng ngiti natin ah!" Bati sa akin ni Danilo pag labas ko ng library.
"Painom ka naman sarge." Buyo naman ni Allan.
"Saka na, kapag hindi ako busy o kaya puntahan nyo na lang ako sa bahay ko kapag off nyo." Sabi ko.
"Yown! Text ka na lang namin sarge." Tuwang tuwang sabi ni Allan at nakipag apir pa kay Danilo.
"Sure! Sige mauna na ako sa inyo hinihintay na ako ng asawa ko."
Nagsisipulan naman silang dalawa at inulan ako ng tukso. Natatawang napailing na lang ako at sumakay na sa raptor ko. Excited na akong makita si Ivy. Ang asawa ko. Nangako kasi ako sa kanya ngayon na ipapasyal ko sya sa kabilang bayan. Naalala ko ang hitsura nya kung gaano sya ka excited ng sabihin ko yun. Para syang batang binigyan ng paborito nyang candy. Alam ko namang miss na miss na rin nyang lumabas at gumala.
Nanghingi ako ng isang buwang leave, yun ay para samahan ang asawa ko. Alam kong may trauma pa rin sya sa nangyari kahit isang linggo na ang nakakalipas. Ramdam ko yun. Dahil sa tuwing aalis ako para pumasok ay kita ko sa mata nya na gusto nya akong pigilan, nagiging balisa sya. At kapag nasa bahay naman ako ay lagi syang nakatingin sa akin. Mawala lang ako saglit ay lagi nya akong tinatanong kung saan ako galing. Sa kabila ng traumang nararanasan nya ay may tuwa akong nararamdaman dahil ramdam kong kailangan nya ako. Hindi na rin sya nangingilag kapag hinahawakan ko sya at niyayakap. Tumutugon din sya sa mga halik ko minsan. At hindi na ako makapag hintay na mayakap at mahalikan syang muli.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
Ficção GeralSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...