chapter 26

39.6K 816 53
                                    

Ivy

Alas kwatro ng hapon nagising ako mula sa pagkakaidlip. Kagagaling lang namin ni Jeiz sa school kanina. Sinamahan nya akong magpaenroll. Educ ang course ko at wala naman syang tutol doon. Sya na daw ang bahala sa lahat. Sobrang saya ko dahil balik eskwela ulit ako isang buwan mula ngayon. Binalita ko rin sa gc namin ni Tina at Christy na balik eskwela na nga ako at masayang masaya sila para sa akin. Sa sabado ay pupunta sila dito sa bahay. Dinalaw din namin ulit si lola at binalita ko rin sa kanya na mag aaral na ulit ako. Sobrang saya nya at todo ang pasalamat kay Jeiz. Pagkagaling namin sa bahay ni lola ay dumiretso kami ni Jeiz ng cacao farm dahil kailangan nyang i-check ang mga produktong ie-export ngayong araw. Paunti unti tinuturuan na rin ako ni Jeiz. Kaya pag uwi namin ng bahay ay medyo sumakit ang ulo ko. Nabigla yata. Pagkakain namin ay hinilot pa ni Jeiz ang ulo hanggang sa makatulog ako.

Napakunot ang noo ko ng habang pababa ng hagdan ay may naririnig akong mga tawanan pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang hagikgik ng isang babae. Sa malaking bintanang salamin ay natanaw ko na may mga tao sa labas, sa may garden at nakaupo sila sa tea table. Bisita siguro ni Jeiz.

"Gising ka na pala iha, masakit pa ba ang ulo mo? Teka tatawagin ko si Jeiz, sabi nya kasi ay tawagin ko sya kapag gising ka na." Ani manang Sol na kalalabas lang ng kusina.

"Ay hindi na po manang, ako na lang po pupunta dun."

"O sige, ikaw ang bahala. Nagpadeliver pala ng pizza at milk tea siJeiz para meryenda mo. Gusto mo ba initin ko ang pizza?"

Bigla akong nagutom sa sinabi ni manang. "Sige po manang." Sabi ko.

"O sige, mabilis lang ito. Yung milk tea nasa ref."

Sinundan ko na si manang sa kusina. Ininit na nga nya ang pizza. Ako naman ay kinuha ang milk tea sa ref. Agad kong tinusok ang straw at sumipsip. Nagpaalam muna ako kay manang na lalabas at pupuntahan si Jeiz.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay nakita na ako ng isang lalaki.

"Sarge, mukhang gising na yata ang misis mo." Dinig kong sabi ng lalaking nakakita sa akin.

Nagtinginan naman sila sa akin. Si Jeiz ay mabilis na tumayo at lumapit sa akin. Di naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng babaeng katabi ni Jeiz kanina. Maganda ito at sopistakada ang dating dahil sa make up.

"Gising ka na pala, sabi ko kay manang gisingin ako eh." Sabi nya at hinalikan ako sa noo sabay hapit sa bewang ko. Nahiya naman ako dahil nakatingin sa amin ang tatlo nyang bisita.

"Ang sabi ko kay manang ako na lang ang pupunta sayo."

Ngumiti sya. "Masakit pa ba ng ulo mo?"

Umiling ako. "Hindi na, nakatulog na ako eh. At saka masarap yung milktea." Nakangiting sabi ko at tinaas pa ang hawak na milktea.

Natawa naman sya. "Mabuti naman at ayos ka na, halika ipapakilala kita sa mga kasamahan ko sa trabaho."

Hapit hapit nya ako sa bewang at inakay papalapit sa mga bisita nya na mga kasamahan pala nya sa trabaho. Tumayo naman ang dalawang lalaki. Pero ang babae ay dumekwatro pa habang nakataas pa rin ang kilay. Sa hitsura nya ay masasabi kong parang hindi nya ako gusto.

"Guys, I want you to meet my wife Ivy." Pagpapakilala ni Jeiz sa akin.

"Baby, mga kasamahan ko sa trabaho. This is Danilo." Pagpapakilala nya sa isang lalaki na may ngiti sa labi. Nilahad nito ang palad na tinanggap ko naman.

"This is Allan." Ang isang lalaki naman ang pinakilala nya na army cut ang buhok at may pilyong ngiti sa labi. Nilahad din nito ang palad na tinanggap ko naman.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon