Ivy
Para akong itinulos sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Bumundol ang kaba at takot sa dibdib ko.
Nakita na nila ako!
"Ivy! Wag kang lumabas tumakas ka na -- ah!"
"Sige subukan mo! Tutuluyan ko tong matanda!"
Nahigit ko ang hininga ng sakaling ng braso ni tiyong Oca si manang Sol at tinutukan pa nya ng kung anong matalim na bagay sa leeg.
"Manang Sol!" Tawag ko kay manang. Nanginginig ang katawan ko sa takot kay tiyong Oca at tiyang Linda pati na rin kay manang na baka tuluyan nila.
"Lumabas ka na dito Ivy! Lukaret kang bata ka, kung saan saan ka na namin hinanap dito ka lang pala sa bahay na to nagtatago. Lumabas ka na dyan!" Sigaw ni tiyang Linda.
May ilang kapitbahay na, na nakikiusyoso.
"Ay jusko si manang Sol! Sakal sakal at may nakatutok na kutsilyo!" Bulalas ng isang kapitbahay na may hawak na walis tingting.
"Wag kayong lalapit! Wag kayong mangengealam kundi madadamay kayo! Pamangkin ko to!" Pananakot sa kanila ni tiyong Oca at tinutukan sila isa isa ng hawak na kutsilyo saka muling binalik sa leeg ni manang Sol. Bahagya pang napaigik si manang. Bakas na rin sa mukha nya na hirap ng huminga.
"Tiyong bitawan nyo po si manang." Mangiyak ngiyak na sabi ko habang dahang dahan na lumapit sa kanila.
"Lumabas ka kasi dito kung ayaw mong tuluyan ko tong matanda." Asik nya sa akin.
"Ahgh!" Daing ni manang Sol.
Nataranta naman ko at napasugod sa kanila. Hinawakan ko ang braso ni tiyong Oca at pilit na binabaklas sa leeg ni manang.
"Tiyong bitiwan nyo sya! Parang awa nyo na." Mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ko.
Hinablot naman ako sa buhok ni tiyang Linda na ikinaigik ko.
"Buksan mo ang gate at lumabas ka! Bilis!" Singhal sa akin ni tiyang Linda.
"Bilisan mo! Bago pa ako hindi makapagpigil at tutuluyan ko talaga to!" Kita kong mas hinigpitan pa ni tiyong Oca ang pagkakasakal ng braso sa leeg ni manang Sol.
Namumula na ang mukha ni manang at iniihit na ng ubo.
"O-Opo opo lalabas na ako! B-Bitiwan nyo na po si manang!"
"Lumabas ka na!" Singhal muli ni tiyang Linda.
Tumalima naman ako at natatarantang binuksan ang gate. Hindi ko pa ito gaanong nabubuksan ay tinulak na ito ni tiyang at hinablot ako palabas sa buhok.
"Aray ko tiyang!" Angal ko at hinawakan ng buhok kong hablot hablot nya.
"Wag mo kong ma-aray aray buwisit ka! Isang buwan mo kaming pinahirapan sa kahahanap sayo!" Asik nya sa akin.
May lumapit naman na tricycle sa amin. Nakilala ko sya. Isa sa mga kalaro ni tiyang sa sugal.
"Oca bitawan mo na yang matanda at aalis na tayo!" Tawag ni tiyang Linda kay tiyong Oca.
Nakita ko namang binitawan ni tiyong si manang Sol na napasalampak sa semento at habol ang hininga habang hawak ang leeg. Nakatingin sya sa akin. Gusto nyang magsalita pero hirap sya.
"Pumasok ka!" Pabalya akong pinasok ni tiyang sa loob ng tricycle. Tumama pa ang ulo ko sa bakal na nasa bubungan.
"Hawakan mong maigi yan baka makatakas na naman. Siguradong yayariin na tayo ni Ka Tano." Ani tiyong Oca at umikot na sa likuran ng tricycle. "Tayo na!"
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...