chapter 13

32.4K 834 94
                                    

Ivy

Manghang mangha ako ng makapasok na ako sa loob ng farm. Malawak pala talaga ito sa loob. Dati ay nadadaanan lang namin to sa labas sakay ng tricycle. Private property kasi ito kaya bawal pumasok. Pero ngayon heto nakapasok na ako kasama ang may ari.

Para akong nakawala sa hawla paglabas ko ng sasakyan. Halos tatlong linggo din akong hindi nakalabas. Panatag naman ako na walang makakakilala sa akin dito sa loob.

Paglingon ko kay Jeiz ay nakatingin pala sya sa akin. Bahagya akong nailang pero ng nginitian nya ako ay nginitian ko na rin sya.

Maya maya ay may lumabas na mga tao sa parang bahay. Lumapit ang mga ito sa amin na mga nakangiti. Puro sila may mga edad na.

"Sir Jeiz magandang umaga ho." Bati ng isang matandang lalaki.

"Magandang umaga naman ho Mang Teofilo. Magandang umaga sa inyong lahat." Bati din ni Jeiz sa kanila.

"Aba'y kasama mo pala ang nobya mo. Kay gandang dilag." Ani ng matanda na tinawag ni Jeiz na Mang Teofilo. Nakangiti sya sa akin.

Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil napagkamalan nya akong nobya ng amo nya.

"Hindi ko ho sya nobya Mang Teofilo, bisita ko ho sya." Pagtatama ni jeiz.

"Ah magiging nobya mo pa lang pala." Sabi ng matanda kasunod ang panunukso ng mga kasama nya.

Nag init naman ang mukha ko.

Imbes na itama uli ay napakamot na lang sa ulo si Jeiz. Ako naman ay napangiwi na lang. Nakakahiya naman napagkamalan pa akong nobya.

Inaya na nya ako papasok sa loob na mukhang bahay na nagsisilbing opisina pala nila. Walang gaanong tao dahil linggo ngayon. Inakay pa nya ako papasok sa isa pang silid na opisina pala nya. Binuksan nya ang aircon kaya kumalat ang lamig.

"Upo ka muna Ivy. Tatapusin ko lang tong mga pipirmahan tapos ipapasyal kita sa labas." Ani Jeiz na umupo na sa likod ng mahogany table.

Tumango na lang ako at nginitian sya. Pero imbes na maupo ay tumingin tingin ako sa mga naka display sa estante gaya ng mga plake na iginawad sa farm dahil sa magandang kalidad ng produkto nito.

"Nauuhaw ka ba? Ipapakuha kita ng maiinom." Untag pa nya.

"Ayos lang ako. Hindi pa naman ako nuuhaw."

"Ok, bibilisan ko lang to para hindi ka mainip sa paghintay." Aniya at tinuon na ang atensyon sa mga papel na nasa lamesa.

Napapangiting pinagmamasdan ko na lang sya at naupo sa sopang naroon na para sa mga bisita. Bagay din pala sa kanya ang trabaho ng pang opisina. Seryosong seryoso ang gwapo nyang mukha. Sobrang bait pa nya sakin. Ang swerte talaga ng magiging asawa nya.

Napabuntong hininga ako.

Nag angat naman sya ng tingin sa akin. "Naiinip ka na. Sandali na lang to."

"Hindi, ayos lang ako. Hindi naman ako naiinip. May iniisip lang ako."

"Ako ba?"

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

Umiling lang sya at ngumiti.

Nang matapos na sya sa ginagawa ay lumabas ulit kami at pinasyal na nya ako. Binigyan pa nya ako ng balanggot dahil mataas na ang sikat ng araw. Halos maikot namin ang buong farm kasama si Mang Teofilo na may pagkamadaldal. Pero nakakaaliw naman pakinggan ang mga kwento nya. Ang huli naming pinuntahan ay ang gawaan ng tableya. Tinuruan pa nila ako kung paano gumawa. Enjoy na enjoy naman ako.

"Gusto mo bang magtrabaho dito?" Tanong sa akin ni Jeiz ng bumalik na kami sa opisina nya. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian kasama ang mga farmers.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Syempre gusto ko!

"P-Pwede akong magtrabaho dito?"

Tumango sya.

"Talaga?"

Tumawa sya. "Oo nga. So ano, gusto mo?"

Sunod sunod akong tumango. "Oo gusto ko. Gustong gusto ko. Kahit taga tanim lang ako ng punla. Kung hindi mo naitatanong malamig ang kamay ko sa halaman. O kahit taga bilad lang ako ng buto o kaya sa tableyahan pwedeng pwede ako." Excited na sabi ko. Gustong gusto ko na talaga magka trabaho para makaipon at makapag aral ulit.

Ngumiti sya. "Pwede naman. Pero wala akong balak na doon ka pagtrabahuin."

Nawala ang ngiti ko. "Eh ano pala ang magiging trabaho ko dito? Tagawalis? Ayos lang sa akin." Basta kahit anong trabaho.

Kumunot naman ang noo nya. "Inaakala mo bang gagawin kitang tagawalis dito?"

Napakagat labi ako.

Bumuntong hininga sya. "Dito ka magta trabaho sa opisina ko." Aniya.

Napanganga naman ako. "Ha? Dito sa opisina mo?"

Tumango sya. "Ikaw ang magiging secretary ko."

"Secretary? Sigurado ka? Naku! Hindi ako pwede dyan Jeiz. Wala pa akong alam. High school lang ang natapos ko. Nakatungtong man ako ng kolehiyo ay isang taon lang. Saka may secretary ka na di ba?"

"Wala akong secretary dahil hindi naman ako naglalagi dito. Si Mang Teofilo ang namamahala sa lahat habang wala ako. Pero baka soon, full time ko ng pamahalaan to. And I need a secretary. At walang problema. Tuturuan naman kita." Aniya.

Napakagat labi naman ako. "B-Baka mahirapan ako."

"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?"

"Meron."

"Yun naman pala eh. Eh di magiging secretary na kita?"

Napakamot ako sa ulo. "I-Ikaw ang bahala, sabi mo tuturuan mo ko eh."

Tumango sya. "Pero hindi ka naman agad agad mag uumpisa dahil bukod sa tuturuan pa kita nagtatago ka pa sa mga humahabol sayo."

Bigla akong nanlumo sa sinabi nya. Oo nga pala, nagtatago pala ako. Nakalabas lang ako saglit nakalimutan ko na ang malaking promblema ko. Nanghihinang napaupo na lang ako sa sofa.

"Paano pala ako makakapag trabaho eh nagtatago ako."

Tumabi sya ng upo sa akin. "Tutulungan kita."

Napalingon ako sa kanya. "Paano?"

"Sabi mo ibinenta ka ng tiyahin at tiyuhin mo sa mga lalaking humahabol sayo diba?"

Tumango ako kasabay ng pagbalik sa alaala ko ang gabing tumakas ako bahay na pugad ng mga demonyo. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako.

"Alam mo ba kung magkano ka binenta?"

Umiling ako. "Hindi."

"Puntahan natin ang tiyahin at tiyuhin mo para malaman natin."

Kinabahan ako sa sinabi nya. Ano bang plano nya? "A-Ano ba kasing plano mo Jeiz?"

"Babayaran ko ang taong humahabol sayo para tigilan ka nila."

"B-Bakit?" Nagugulumihanang tanong ko.

Tumikhim sya sabay himas sa batok nya. "Para tigilan ka na nila at maging malaya ka. Para hindi ka na nagtatago at natatakot. Para makapag trabaho ka na at magawa ang lahat ng gusto mo."

Gusto ko yun. Maging malaya ulit gaya ng dati. Mag isa na nga lang ako sa buhay nagtatago pa. Nabuhayan ako ng pag asa sa sinabi nya. Kaya lang..

"Pero wala akong ibabayad sayo."

"Hindi mo naman ako kailangan bayaran eh."

Matiim ko syang tiningnan. Seryoso din ang mukha nyang nakatingin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa inaalok nya. Sobra sobra naman yata ang kabaitan nya. Parang napaka imposible na. Parang may mali.

"Pero may kapalit?"

Nagbawi sya ng tingin at bahagyang yumuko. Sabi na eh. Nagsimula ng kumalabog sa kaba ang dibdib ko.

"A-Anong kapalit?"

Nag angat sya uli ng tingin sa akin at lumunok.

"Kasal Ivy. Marry me."

*****



Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon