Ivy
"Jethro anak." Tawag ko sa mag aapat na taong gulang kong anak na lalaki.
"Dito po ako garden mommy!" Sigaw ng maliit na boses ng lalaki.
Napangiti naman ako at pinuntahan sya sa garden. Naabutan ko syang nakaiskwat sa bermuda grass at may hawak na tingting at tila may kung anong kinukutingting sa damuhan. Nakalapag sa damuhan ang plastic na laruan nyang baril barilan.
"Anong ginagawa mo dyan?" Nakangiting tanong ko.
"Laro ako worm mommy." Aniya at nakabungisngis pang tinaas ang tingting na hawak na may nakasabit na bulate.
"Ay dirty yan anak! Wag mong paglaruan." Saway ko sa kanya at hinawakan ang maliit nyang kamay. Kinuha ko ang tingting na may nakasabit na bulate at tinapon. Itinayo ko sya at pinagpagan ang shorts nya.
"Hindi ka dapat naglalaro ng worm anak, dirty yun eh." Pangaral ko sa kanya. Kinapa ko ang likod nya. Medyo basa na dahil sa pawis.
"Promise mo sa akin di ka na maglalaro ng worm."
"Opo mommy." Nakangiting sabi nya. Di ko naman mapigilang pasilin ang matambok na pisngi nya. Kamukhang kamukha nya si Jeiz. Mata ko lang yata ang nakuha nya.
"O halika na sa loob, ligo ka na dahil aalis tayo." Hawak ko ang maliit nyang kamay ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Naabutan ko pa ang dalawang kasambahay na nagliligpit ng mga nakakalat na laruan ni Jethro.
"Mommy wala pa si daddy?" Tanong nya habang pinupunasan ko ng tuwalya ang katawan at buhok nya.
"Padating na yun." Sagot ko. Umalis saglit si Jeiz at pumunta ng farm para magbilin sa mga tauhan na naroon.
Nang matuyo na ang katawan ni Jethro ay pinulbusan ko na sya at binisan ng damit panglakad pero presko. Nilagyan ko rin ng bimpo ang likod nya.
"Hayan! Mabango na ang baby ni mommy." Sabi ko at pinanggigilang amoy amuyin sya. "Ang pogi pogi pa!"
Bumungisngis naman sya. "Kamukha ko po si daddy?"
"Opo, kamukha mo si daddy. Parehas kayong pogi."
"Narinig ko yun." Anang malaking boses ni Jeiz na kapapasok lang dito sa kwarto ni Jethro.
"Daddy!" Sigaw ni Jethro at patakbong lumapit kay Jeiz.
Agad naman syang binuhat ni Jeiz at pinupog ng halik. "Hmm bango bango naman ng baby boy ni daddy."
Panay naman ang bungisngis ni Jethro sa halik ni Jeiz. Nakikiliti kasi sya sa balbas at bigote ng ama kapag kumikiskis sa leeg nya.
Tumayo na ako at sinampay sa hanger ang ginamit na tuwalya. Lumapit ako sa kanila at ngumiti.
"Ang bilis mo ah." Puna ko kay Jeiz.
Tumingin naman sya sa akin at ngumisi. "Baka mamiss mo ko eh."
Kunwaring inirapan ko sya. "Magbibihis lang ako tapos alis na tayo."
"Wag kang masyadong magpaganda ha." Bilin nya.
Natatawang naiiling na lumabas na lang ako ng kwarto ni Jethro at pumunta sa katabing kwarto na kwarto namin ni Jeiz. Wala naman masyadong pinagbago sa bahay. Pinaekstensyonan lang ni Jeiz. Mas pinalaki pa at dinagdagan ng kwarto. Ang bahay nya sa kabilang baranggay ay tinatauhan din namin kung minsan. Ayaw nya itong ibenta o paupahan man lang dahil may sentimental value daw ito. Doon nya ako unang beses na inangkin. Nag init ang pisngi ko.
Ipinilig ko ang ulo at nagbihis na. Nakapagshower naman ako kanina, kami pala ni Jeiz. Muli namang nagliyab sa init ang mukha ko ng maalala ang pinaggagawa namin sa loob ng banyo. Kahit ilang taon na kaming kasal ay hindi man lang nabawasan ang init namin sa pagtatalik tila pa nga ay lagi kaming sabik sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...