chapter 35

33.4K 729 34
                                    

Warning 🔞

Ivy

Mataman lang akong nakikinig sa kwento ni Mayor Rodolfo tungkol sa kanila ni mama.  Kung paano sila nagkakilala sa Manila at kung paano nagsimula ang pagiibigan nila. Kinuwento din nya kung bakit sila nagkahiwalay ni mama, dahil sa ama nya na lolo ko. Kaya din siguro hindi man lang magawang banggitin sa akin ni mama ang pangalan nya dahil sa hinanakit nito sa kanya. Hindi ko maiwasang maluha sa kwento nya tungkol kay mama dahil sobrang miss ko na si mama at marinig sa ibang tao na kinukwento sya ay talaga nga namang nakakamiss.

"Ilang beses kitang sinubukang hanapin anak, pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa. Hanggang sa nakita kita sa bahay ni Jeiz, doon pa lang iba na ang nararamdaman ko ng makita kita. Kamukha mo ang mama mo." Madamdaming nyang sabi.

Pinahid ko ng panyo na binigay ni Jeiz ang luha kong tumulo sa pisngi. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa pwesto namin sa park. Parang nakikiayon pa ang kapaligiran sa nararamdaman ko. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin. Nasa di kalayuan si Jeiz at ang mga tauhan.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko pagkatapos ng kinuwento nya. Yun kasi ang payo ni Jeiz kanina na pakinggan ko ang paliwanag nya para masagot ang mga katanungan ko. Mapait akong ngumiti dahil buong akala ko ulila na akong lubos. Ngayon bigla bigla may ama na ako.

"Ivy anak, patawarin mo ko."

Suminghot singhot ako at tumingala. "Kung.. Kung kasama ka namin ni mama siguro hindi kami nahirapan noong unti unti syang ginugupo ng sakit. Siguro.. hindi ako lalaking mag isa at sobrang lungkot."

"Patawarin mo ko iha.."

Nilingon ko sya. Bakas sa kanyang mukha ang pagsisisi at labis na panghihinayang. Namumula na rin ang mata nya, nagbabantang bumagsak ang luha.

"Pwede po bang.. bigyan nyo pa ako ng panahon. Hindi ko ipagdadamot sa inyo ang pagiging ama nyo sa akin. Pero gusto kong makapag isip muna.. papa." Tumulong muli ang luha ko sa huling sinambit ko.

Lumingon sya sa akin kasabay ng pagtulo ng luha nya. Gumuhit sa kanyang mata ang tuwa dahil sa huling salitang sinambit ko. 

"Salamat anak.. pwede ba kitang mayakap?" Naiiyak na tanong nya.

Tumango naman ako at lumapit sa kanya. Ibinuka nya ang mga braso at kinulong ako sa mga bisig nya. Niyakap nya ako ng mahigpit. Ipinikit ko naman ang mata habang lumuluha. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit nyang yakap. Ganitong yakap ang matagal ko ng pinanabikan na maramdaman ulit. Yakap ng isang magulang..

"Let me." Kinuha ni Jeiz ang blower sa kamay ko at sya na ang nagblower ng basa kong buhok. Hinayaan ko na lang sya. Katatapos ko lang mag shower.

Pinagmamasdan ko sya sa harap ng salamin. Seryosong seryoso ang mukha nya sa pagbo-blower ng buhok ko. Kanina habang nasa byahe kami pauwi ay tahimik lang ako pero alam kong nakikiramdam sya. Wala syang ibang ginawa kundi hawakan ang kamay ko at iparamdam na nandito lang sya sa tabi ko.

Minsan naiisip ko parang planado ng Diyos ang nangyayari sa buhay ko. Kung hindi ako binenta nila tiyang Linda at tiyong Oca sa mga sindikato ay hindi ko makikilala si Jeiz sa pagtakas ko. Hindi ako makakapagbagong buhay. Hindi ko makikilala ang papa ko. Parang si Jeiz ang naging kasangkapan Nya para maayos ang buhay ko. Para makumpleto ulit ako. Hulog talaga sa akin ng langit si Jeiz. Kaya hindi ko mapigilan ang puso kong mahalin pa sya lalo.

"Bakit?" Untag nya sa akin ng makita nya sa salamin na nakatingin ako sa kanya.

Umiling ako at ngumiti. "Wala, ang gwapo mo." Tukso ko sa kanya.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon