chapter 37

31.8K 747 59
                                    

Jeizhiro

Kalalabas ko lang ng bangko ng tumunog ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Lorenzo sa screen ng cellphone. Hindi karaniwan na tumatawag ito ng ganitong oras. Maliban na lang kung emergency.

Pinindot ko ang screen at tinapat sa tenga ang cellphone. "Hello pare."

"Nasaan ka pare?"

"Kalalabas ko lang ng bangko, may problema ba?" Tinungo ko na ang raptor ko at sumakay.

Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.

"Nakatakas ang isang tauhan ni Ka Tano."

"Ano? Pa'no nangyari yun?"

"Ililipat na sya sa kapitolyo kaninang umaga nang biglang nang agaw ng baril.  Nagpaulan sya ng bala sa labas ng presinto kanina bago tumakas."

Saglit akong natigilan sa sinabi nya. Parang may mali. Kinutuban ako.

"Shit! Si Ivy!" Bulalas ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Lorenzo at agad na pinatay ang cellphone sabay hagis sa passenger seat. Binuhay ko ang makina at inatras palabas ng parking lot ng bangko saka pinasibad sa kalsada. Nagbusinahan pa ang mga kasabayan kong motorista. Muli kong dinampot ang cellphone na hinagis ko sa passenger seat at dinial ang number ni Ivy. Pero ring lang ito ng ring. Makailang ulit ko pang dinial. Walang sumasagot. Kinabahan na ako ng husto. Ang tibok ng puso ko ay parang umabot na sa lalamunan ko. Napamura ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo kasabay ng mabilis na kalabog ng dibdib ko.

Paghinto ng raptor ko sa tapat ng gate ay kinuha ko ang baril sa dashboard compartment at dali daling bumaba. Sarado ang gate pero bahagyang bukas ang maliit na gate. Mas lalo pa akong kinutuban. Maingat akong pumasok at walang ingay. Kinasa ko ang baril at nakiramdam sa paligid. Mabilis, tahimik at maingat akong pumasok sa bahay. Kakaiba ang katahimikan sa loob ng bahay. At para sa isang tulad kong malakas ang pandama ay alam kong may nangyayaring hindi maganda.

"Hmph! Bitiwan mo ko!"

"Tumahimik ka kundi papatayin kita!"

Dinig kong komosyon sa may bandang kusina.

Ivy! Kumalabog ng husto ang dibdib ko ng marinig ko ang mga daing nya. Dali dali kong tinungo ang kusina at naabutan kong sakal sakal ng braso ng isang lalaking nakasuot ng orange na damit si Ivy at pakaladkad na dinadala sa likod ng kusina.

"Bitiwan mo ang asawa ko!" Angil ko sa lalaki sabay tutok ng baril.

Lumingon naman sya sa akin at iniharap si Ivy na sakal sakal pa rin nya ng braso. Idiniin nya ang hawak na baril sa sentido ni Ivy. Ngumisi sya sa akin. Natigilan naman ako.

"J-Jeiz.." Mangiyak ngiyak na tawag sa akin ni Ivy habang nakahawak sa braso ng lalaki. Bakas sa kanyang mukha ang takot.

"Kamusta sarge, nagulat ka ba?" Ngising demonyong sabi ng lalaking may tattoo sa leeg. Isa sya sa nahuli naming mga tauhan noon ni Ka Tano na nakipagpalitan sa amin ng putok ng baril.

"Bitiwan mo ang asawa ko." Madiing sabi ko. Halos manginig na ang kamay kong nakahawak sa baril dahil sa galit. Dapat pala inasinta ko na ito noon.

"Ano ko bale!" Tumawa sya at mas hinigpitan ang braso sa leeg ni Ivy na ikinaubo nito.

Napamura ako. Gusto ko nang kalabitin ang gatilyo pero natatakot ako para kay Ivy. Baka bigla ding kalabitin ng lalaki ang gatilyo ng baril nya. Fuck!

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon