chapter 36

33.9K 712 71
                                    

Ivy

"Kuya Jeiz!" Sigaw ni Kiko na lumabas ng bahay ni lola at patakbong lumapit sa amin. Yumakap muna sya sa akin bago hinarap si Jeiz na ginulo ang buhok nya.

"Mukhang namiss mo ko ah!" Natatawang sabi ni Jeiz.

"Opo! Namiss ko kayo ni ate. Kanina ko pa nga kayo hinihintay eh." Masiglang sabi ni Kiko.

"Huu! Pero mukhang si Jeiz lang ang namiss mo." Kunwaring nagtatampong sabi ko.

"Hindi ah! Namiss rin po kaya kita ate." Nanghahaba ang ngusong sabi nya.

"Talaga? O baka naman yung pasalubong namin ang namiss mo." Sabi ko.

"Syempre kasama na rin po yun." Malawak ang ngiting sabi nya.

Natawa naman si Jeiz at inabot sa kanya ang pinangakong pasalubong na ice cream. "O hati kayo ng ate mo ha."

"Opo! Salamat po kuya Jeiz. Da best ka talaga!" Tuwang tuwang sabi ni Kiko.

"Sus! Nambola ka pa." Ginulo ulit ni Jeiz ang buhok nya. Ako naman ay natatawa na lang.

"Tara na po sa loob, may bisita po si lola." Aya ni Kiko at nagpatiuna na pabalik sa loob ng bahay bitbit ang plastic ng galon ng ice cream.

Nagtinginan naman kami ni Jeiz at sabay pa kaming sumulyap sa dalawang pamilyar na sasakyan na naabutan pa namin na nasa tapat ng bakuran ng bahay ni lola. Kumaway pa sa amin ang tatlong lalaking nakatayo sa tabi ng sasakyan.

"Pumasok na tayo sa loob." Aya ko kay Jeiz. Hinawakan naman nya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Lumapit sa amin si Lileth ng makita nya kami. Yumakap sya sa akin at ngumiti kay Jeiz. Tinapik naman sya ng marahan sa ulo ni Jeiz.

Bahagyang napalis ang ngiti ko ng makita ko si papa na nakaupo sa mahabang kawayang sofa. May tasa ng kape na nakalapag sa kawayang lamesita sa tapat nya. Nginitian nya ako. Sa tabi naman ng pintuan ay nakaupo si Allan na may hawak din ng tasa ng kape. Sinaluduhan nya kami.

"Jeiz, Ivy nariyan na pala kayo." Untag ni lola na lumabas ng kusina at may bitbit na bilao na may lamang nilagang saging at kamote.

Lumapit kami ni Jeiz sa kanya at nagmano.

"O hala, maupo na kayo at magmeryenda muna."

"Salamat po la."

Ngumiti lang sya at ikinumpas ang kamay at muling bumalik ng kusina. Sa mukha ni lola na mukhang galing sa pag iyak ay tila may alam na sya. Nilingon ko si papa na nakatingin sa akin. Tipid ko syang nginitian at lumapit sa kanya sabay mano.

Umupo ako sa pang isahang upuang kawayan. Maya maya ay lumabas ulit si lola sa kusina at umupo naman sa katabi kong upuan. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Jeiz sa balikat ko. Tiningala ko sya. Nginitian nya ako at sumenyas na sa labas lang sya. Tinanguan ko lang sya.

Ngayon ay kaming tatlo na lang ang magkakaharap na naiwan sa sala. Nasa labas na si Jeiz at si Allan. Ang dalawa ko namang pinsan ay abala sa pagkain ng ice cream sa kusina.

"Apo." Untag sa akin ni lola. Hinawakan nya ang kamay ko.

Nilingon ko sya. Ngumiti sya.

"Masaya ako nahanap mo na ang papa mo."  Maluha luhang sabi nya at hinarap si papa.

Sinabi na pala ni papa ang lahat. Nagpakilala na syang sya ang ama ko. At mukhang tanggap naman sya ni lola. Nag alok din sya ng tulong para kay lola lalo na sa dalawang pinsan ko. Gusto nyang sagutin ang pag aaral ng mga ito. Pumayag na rin kami ni lola. Alang alang sa kinabukasan ng dalawa kong pinsan. Nang mabanggit ang tungkol kanila tiyang Linda at tiyong Oca na nakakulong ay hindi na sya nagbigay ng komento. Pero bakas sa mukha nya ang galit. Hindi rin naman humingi ng tulong si lola para maabswelto sila tiyang at tiyong dahil gusto rin ni lola ay magtanda ang dalawa at magsisi sa lahat ng mga maling nagawa.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon