chapter 33

32.6K 827 49
                                    

Jeizhiro

Parang bombang hinagis sa harapan ko ang sinabi ni mayor Rodolfo. Hindi ako makapaniwala.

"Ano hong sabi nyo? Anak nyo si Ivy? Ang asawa ko?" Nagugulumihanang tanong ko.

"Oo Jeiz, anak ko ang asawa mo. Anak ko si Ivy Crisostomo. Anak namin ng babaeng pinakamamamhal kong si Irene Crisostomo, ang namayapang ina ni Ivy."

Natigilan ako. Alam ko ang pangalan ng ina ni Ivy dahil ako ang nagasikaso ng birth certificate nya para sa kasal namin.  Pero hindi ko pa nakikita ang itsura nito sa larawan -- ay hindi nakita ko na pala isang beses sa photo album ni Ivy. Malaki ang pagkakahawig nilang mag ina. Naalala ko din ang lumang larawan ng babae na nakaipit sa notebook sa lamesa ni Mayor Rodolfo. Kamukhang kamukha ng ina ni Irene ang babae.

May inilabas na papel si mayor sa drawer ng office table nya at nilapag sa harapan ko. Kunot noong dinampot ko ito at tiningnan. DNA test result. At ayon sa resulta 99.9% matched sila ni Ivy. Sya nga ang ama ni Ivy. Napalunok ako at nagtatanong tingin ang binigay sa kanya.

Tipid syang ngumiti sa akin. "Noong huling punta namin sa bahay nyo ay pasimple kong pinakuha sa isa sa mga tauhan ang kutsarang ginamit ni Ivy para sa DNA test. At hindi nga ako nabigo. Anak ko sya."

Bahagya akong napayuko, ginalaw ang dila sa loob ng bibig ko habang nakatitig sa hawak na papel. Humugot ako ng malalim na hininga at lakas loob na tiningnan sya ng diretso sa mata.

"Ano hong plano nyo?"

"Gusto kong makasama ang anak ko Jeiz." Sagot nya. Bakas sa mukha ang pag asam.

Kumunot ang noo ko. "Kukunin nyo ang asawa ko?" Hindi ako papayag magkaganunman.

Bumuntong hininga sya. "Hindi ko sya kukunin sa'yo. Gusto ko lang makilala nya ako, bilang ama nya."

Ako naman ang bumuntong hininga.

"Tulungan mo ko Jeiz, ikaw lang ang makakatulong sa akin para mapalapit sa anak ko."

Puno ng pagsusumamo ang boses nya. Bakas sa kanyang mukha ang pangungulila sa anak. Parehas sila ng mukha ni Ivy kapag nakikita ko itong nag iisa at nakatingin sa malayo.

Bumuntong hininga ako at tumango. "Bigyan nyo po muna ako ng sapat na panahon mayor, hindi natin pwedeng biglain si Ivy lalo na at ang alam nya ay wala na syang ama."

Lumungkot ang mukha ni mayor at tila hapong hapo na sumandal sa kanyang leather chair. Nag angat sya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Pinaimbestigahan ko kayo ng anak ko." Aniya.

Sumipa naman ang kaba sa dibdib ko.

"Salamat sa pagliligtas at pag aalaga sa anak ko iho, napakabuti pa rin ng tadhana dahil pinagtagpo kayong dalawa. Alam kong napakabuti mo. Kung may nais ka sabihin mo lang sa akin. Ibibigay ko."

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Wala ho yun mayor, gagawin ko ang lahat para sa asawa ko. Kahit ano pa." Determinadong sabi ko.

Ngumiti naman sya at tinapik ako sa balikat. Kinuwento nya sa akin ang tungkol sa nakaraan nila ng ina ni Ivy. Kung paano sila nagkakilala at nagkahiwalay. Marami syang kinukwento tungkol sa ina ni Ivy na tugma din sa kwento sa akin ni Ivy.

Hanggang sa pag uwi ko ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Mayor Rodolfo. Wala naman akong karapatan na ipagdamot sa kanya ang asawa ko dahil sya ang ama. At parehas silang biktima ng masalimuot na kapalaran. Tutulungan ko silang magkalapit na mag ama. Alam kong nangungulila din sa ama si Ivy. Hindi ko nga lang alam kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang nahanap na sya ng ama nya. May bumabagabag din sa puso ko. Nag aalala ako. Pa'no kung.. pa'no kung sumama si Ivy sa ama nya at iwan nya ako?

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon