Ivy
"O muntikan ka na namang ma-late." Bungad sa akin ni Christy pagdating ko ng tindahan. Si Ka Ene naman ay nasa kabilang tindahan at nakikipag chikahan sa may ari din.
"Pasensya na, naglaba kasi ako eh." Hinging paumanhin ko at nilagay na ang bag sa pinag lalagyan ko. Tinali ko muna ang alon alon kong buhok para hindi ako masyadong mainitan.
"Bakit kasi nagtitiyaga ka dyan sa tiyang mo. Kung ako sa'yo nilayasan ko na sila matagal na." Singit ni Tina na nagsasalansan na ng mga prutas. Lumapit na ako sa kanya at tumulong.
"Saan naman ako pupunta kung lalayas ako? Kay lola? Eh di mahahanap din nila ako." Sagot ko.
Bumuntong hininga sya at namaywang na parang namroblema sa sitwasyon ko.
"Eh kung mag asawa ka na lang kaya."
Binalingan ko sya at tiningnan kung seryoso sa sinasabi. "Wala pa sa isip ko yan. Ang bata ko pa no. Mag aaral pa ako."
"Puwes isa isip mo na. Dahil yun lang ang tanging paraan para makalayas ka na sa poder ng tiyahin at tiyuhin mong mga sugarol at abusado."
"Oo nga! Tutal marami ka namang manliligaw. Pero advice ko lang sa'yo ha. Kung sakaling mag aasawa ka na, dun ka na sa mapera. Yung kaya kang buhayin at pag aralin." Sabat naman ni Christy habang binebentahan ang isang mamimili. Parang gusto kong batuhin sya ng durian. Hindi muna hinintay na makaalis ang mamimili bago nagsalita. Nakakahiya tuloy narinig pa ng iba.
"Hindi madali yang sinasabi nyo." Sabi ko.
"Sus! Madali lang yan no. Sagutin mo na kasi si Manuel. Gwapo yun! Mapera pa at patay na patay pa sa'yo." Ani Tina.
Si kuya Manuel ay may ari ng bigasan sa kabilang bahagi ng palengke. Matagal na itong nagpaparamdam sa akin na gustong manligaw. Hindi ko lang sya pinapayagan at ang dinadahilan ko ay magagalit si tiyang Linda. Sampung taon ang tanda nya sa akin. May hitsura naman sya at mabait. Lagi nya akong binibigyan ng pagkain na pinagsasaluhan naming tatlo. Kahit na ilang beses kong sabihing wag na ay hindi naman sya nakikinig. Pero ok na rin atleast nabubusog ako. Pag uwi ko kasi sa bahay minsan ay kanin na lang ang natitira sa akin tutong pa.
"Tama na nga yan, magbenta na tayo baka bungangaan na naman tayo ni Ka Ene." Pagtatapos ko sa usapan namin.
Nagkibit balikat na lang silang dalawa at inasikaso na ang ilang mamimili.
Bumuntong hininga ako. Minsan rin naman naiisip ko rin ang maglayas. Pero yun nga, saan ako pupunta. May ipon nga ako kakarampot naman. At wala pa sa isip ko ang pagaasawa dahil desidido akong mag aral ulit..
Jeizhiro
"Yun lang ho ba?" Tanong ko kay Mang Teofilo sa kabilang linya.
Pinuntahan ko kasi ang kuhanan namin ng abono at kinuha ang order namin. Wala naman akong ginagawa kaya ako na ang nagpresinta. Tapos tumawag sya at nagsabing paubos na rin ang seedling bags. Bibili na lang ako sa dating bilihan namin na madadaanan ko pauwi.
"O sige ho, ako na ang bahala." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Bumili na rin ako ng mamemeryenda ng mga tauhan sa farm tutal naman ay mag a-alas tres na ng hapon.
At dahil papasok sa palengke ang daan pauwi ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na excitement dahil madadaanan ko ang tindahan ng prutasan. Makikita ko ulit si ganda. Napangiti ako. Anong prutas naman kaya ang bibilhin ko ngayon? Saging? Mansanas? O ubas kaya? At sana sya ang magbenta. Gusto kong muling marinig ang malamyos nyang boses.
Pero hindi pa man ako nakakalapit sa tindahan ng prutasan ay nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo.
Si ganda, may kausap na lalaki at mukhang inaabutan sya ng pagkain. Matamis ang ngiti nila sa bawat isa habang masayang nag uusap. Bigla akong nakaramdam ng inis at ngitngit sa dibdib. Humigpit ang hawak ko sa manibela at mabigat na huminga. Kaya imbes na huminto ako sa tindahan ay dirediretso na akong umalis. Muntik ko pang masagi ang lalaki. Haharang harang sa daan eh!
BINABASA MO ANG
Love Me Angel
General FictionSimula ng mamatay ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Ivy, ang mama nya ay naging impyerno na ang buhay nya sa kamay ng tiyahin at tiyuhin nya. Nagawa syang ipambayad ng mga ito sa utang, sa may ari ng beer house kung saan talamak ang bentahan n...