chapter 12

33.2K 724 117
                                    

Jeiz

Ekasaktong alas onse na ako nakarating ng bahay. Pinatay ko ang makina at bumaba ng raptor bitbit ang isang box ng pastries at isang malaking bilao na puro prutas na galing sa kasal ni Yñigo Alejos. Dapat ay mamaya pa ako uuwi dahil nag aya ng inuman si Yñigo kasama ang pinsan nyang si Edward. Nagpumilit lang akong umuwi dahil nag aalala ako kay Ivy. Mabuti na lang nandun si mayor at sinabing may naghihintay sa akin sa bahay kaya nakatakas ako. Yun nga lang inulan ako tukso.

Dinukot ko ang susi sa slacks ng pantalon at sinuksok sa pinto. Binilinan ko kasi si Ivy na kapag sya lang mag isa dito sa bahay ay lagi nyang ila-lock ang pinto. Mahirap na baka masalisihan ng masasamang loob at sya lang ang nandito.

Pagbukas ko ng pinto ay dinig ko ang ingay mula sa tv. Pero si Ivy ay nakahiga na sa sofa. Mukhang tulog na. Sinarado ko ang pinto at ni-lock. Dumiretso muna ako ng kusina para ilagay ang mga bitbit ko.

Pinatay ko ang tv at dahan dahan akong umupo sa sofa habang hindi inaalis ang tingin kay Ivy na mahimbing na natutulog. Bahagya pang nakaawang ang mapupulang labi nya at nakaipit sa ilalim ng pisngi ang mga kamay. Marahan kong hinawi ang ilang hibla ng alon alon nyang buhok na tumatabing sa kanyang pisngi. Iningatan kong wag masagi ang pisngi nyang bahagyang kulay ube pa dahil sa aksidenteng hindi ko sadya.

Napangiti ako dahil mukhang hinintay pa talaga nya ako dito sa sala kahit antok na antok na sya. Hindi ko magawang alisin ang mata ko sa maganda nyang mukha. Habang lumilipas ang araw na nakakasama ko sya dito sa bahay kahit sandaling oras lang ay ramdam kong may nag iba na sa akin. Ang simpleng paghanga lang na nararamdaman ko sa kanya ay ramdam kong lumalalim na. 

Gumalaw sya at dahan dahan nagmulat ng mata. Tumingin sya sa akin. Nagkusot pa sya ng mata.

"Sir Jeiz?" Inaantok na sabi nya.

Lihim akong napamura dahil sa namamaos nyang boses na parang humaplos balat ko.

Tumikhim ako. "Bakit dito ka pa natulog."

Dahan dahan syang bumangon. Inipit ang buhok sa likod ng tenga. Halata sa mukha nyang antok na antok pa sya.

"Hinihintay ko po kayo."

"Umakyat kana sa kwarto mo. Doon mo na lang ituloy yang tulog mo."

"Eh kayo po?"

Napangiti ako. Kahit antok na antok pa ay ako pa rin ang inaalala nya. Kaya paano akong hindi mahuhulog sa magandang anghel na ito.

"Aakyat na rin ako. Sige na matulog ka na sa kwarto mo."

"Sige po. Kayo pong bahala."

Tumayo ako para makaahon na sya sa sofa. Sinuot nya ang tsinelas na binili ko sa kanya. Tumingala sya sa akin at ngumiti.

"Goodnight po sir Jeiz."

Tumango ako at namulsa. "Goodnight Ivy."

Sinundan ko na lang sya ng tingin habamg paakyat ng hagdan. Humugot ako ng malalim na hininga at umupo sa sofa. Isinandal ko ang likod at ulo sa head rest. Napangiti ako at nakapikit dahil ramdam ko pa ang init ng katawan ni Ivy sa hinigaang sofa.

Pasado alas syete na ng umaga ayon sa metal wall clock ko. Pupungas pungas na bumangon ako at in-stretch ang mga braso at hita. Mag a-alas onse na ako nakauwi kagabi galing sa kasal.

Hinawi ko ang makapal na kurtina na tumatabing sa french door. Binuksan ko ito at pumasok ang sariwang hangin. Masarap din sa balat ang sikat ng araw. Itinukod ko ang mga kamay sa handrail at ginala ang mata sa paligid. Hindi naman masyadong matao ang baranggay namin. Ang bahay dito ay hindi dikit dikit kaya hindi crowded. Pero may ilan ilan nang mga bata sa kalsada at naglalaro dahil linggo ngayon. Nakita ko pa si Wiper na tumatakbo at tinatahulan ang magtataho.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon