chapter 9

32K 791 57
                                    

Third POV

"Ay jusko Oca!" Napatili si Linda ng sumadsad ang asawa sa lamesita ng suntukin ito ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano na sumugod sa bahay.

Agad nya itong dinaluhan. Putok ang labi nito. Pinahid nito ng likod ng palad ang labi.

Binalingan nya ang mga tauhan ni Ka Tano. "Ano bang problema nyo at bigla na lang kayong susugod dito sa bahay ko at sinuntok nyo pa ang asawa ko." Sikmat nya sa mga ito. Mabuti na lang at wala sa bahay ang mga anak. Maagang pumasok sa eskwela.

"At kayo pa talaga ang matapang ha."

Nilingon nya ang nagsalita sa may pinto. Si Ka Tano na bagong pasok at may nakaipit na sigarilyo sa labi nito. Hinithit nito ang sigarilyo at binuga ang usok habang matalim ang tingin sa kanilang mag asawa.

"Ka Tano, a-anong problema?" Tanong ni Oca kay Ka Tano na bagong dating.

"Problema ko?" Ulit ni Ka Tano at pinitik ang upos ng sigarilyo sa sahig ng bahay at tinapakan.

Napalunok naman silang mag asawa at nilukob na ng takot at kaba. Kilala nila ang matanda. Ano kaya ang ginawa ng magaling nilang pamangkin at sumugod dito ang matanda at mukhang galit? Ang usapan nila ay mamayang gabi pa susunduin ang pamangkin.

"Nasaan ang pamangkin nyo? Nasaan si Ivy?" Tanong ni Ka Tano.

Nagkatinginan silang mag asawa. "Nasa inyo di ba? Mamayang gabi nga namin sya susunduin sa bahay aliwan mo eh." Sagot ni Linda.

"Wala sya sa bahay aliwan. Tumakas sya kagabi habang nagkakagulo ang mga parokyano." Sabat naman ng isa sa mga tauhan ni Ka Tano.

Nanlaki naman ang mga mata ng mag asawa. "Tumakas? Eh saan naman yun nagpunta?" Tanong ni Oca.

"Eh kaya nga kami nag punta dito eh. Dahil malamang dito uuwi yun." Naiinis ng sabi ng tauhan at ngali ngali nang paputukan ang mautak na mag asawa.

"Wala si Ivy dito. Hindi sya umuwi." Ani Linda.

Sinenyasan naman ni Ka Tano ang mga tauhan na maghalughog sa buong bahay. Tumalima naman ang dalawang tauhan. Kapag nalaman nyang tinatago ng mag asawang to ang pamangkin ay may kalalagyan ang mga ito at lahat ng miyembro nito sa pamilya. Nalugi sya ng milyon dahil sa pagtakas ng babaeng yun. At sa oras na mahuli nya ito papakinabangan nya ito ng husto hanggang sa magkaluray luray na ito na parang basahan.

Mamaya pa ay bumalik ang dalawang tauhan. "Boss wala ho dito ang babae."

"Sabi ko naman sa inyo eh. Wala nga dito ang pamangkin ko." Sabat ni Linda sa mataray na mukha. Pero agad ding naging maamong tupa ng tutukan sya ng baril ni Ka Tano.

"Ka Tano, wag ho!" Pagmamakaawa ng asawang si Oca at niyakap ang asawa.

"Ito ang tatandaan nyong mag asawa. Kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo at may alam kayo kung nasaan ang babaeng yun ay malalagot kayo sa akin. Pati ang dalawa nyong anak at nanay mo Linda ay malalagot. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mabalasik na sabi ni Ka Tano sa mag asawa.

Halos magkasabay namang tumango ang mag asawa. "P-Pangako, kapag bumalik dito ang pamangkin ko o kung makita man namin sya ay agad naming dadalhin sa inyo."

"Dapat lang! Dahil doble na ang utang nyo sa akin. Kapag hindi pa kayo tumupad sa usupan ay mga lamang loob nyo ang ibebenta ko." Kinasa ni Ka Tano ang baril para ipahiwatig na hindi lang sya nagbabanta.

"O-Oho oho! Pangako ko ho! Kami na rin ho ang maghahanap sa kanya at ibabalik sa inyo. B-Basta wag nyo lang sasaktan ang mga anak ko at si nanay." Mangiyak ngiyak na sabi ni Linda.

Binawi ni Ka Tano ang baril at siniksik sa loob ng jacket. Muli syang humugot ng sigarilyo mula sa pakete at sinindihan.

"Mamanmanan kayo ng ilan kong mga tauhan hanggang sa mabawi ko ang pamangkin nyo. Kaya wag kayong magpapakampante at umpisahan nyo na ring hanapin ang pamangkin nyo at ibalik sa akin bago ako maubusan ng pasensya."

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon