chapter 8

31.7K 785 56
                                    

Jeizhiro

Nang matapos ang emergency meeting na pinatawag ni mayor Rodolfo ay nagpaalam akong aalis muli.

"Jeiz may problema ba iho?" Nag aalalang tanong ng butihing mayor.

"Wala naman ho mayor. May kailangan lang ho talaga akong asikasuhin sa bahay. Pagkatapos din ho ay babalik din ako agad." 

"Ayos lang iho, asikasuhin mo muna ang kailangan mong asikasuhin. Kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako." Aniya at tinapik pa ako sa balikat.

"Salamat ho mayor."

Pagkatapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa raptor ko at nilisan ang lugar. May sabik akong nararamdaman na muling makita ang dalaga. Umalis ako kanina na tulog pa sya. Bigla kasing nagpatawag ng emergency meeting si mayor para sa mga tauhan. 

Sasamahan ko kasing magpa blotter si Ivy sa presinto. Kung balak nyang kasuhan ang tiyahin at tiyuhin nya ay tutulungan ko sya. At hanggang maaari ay ayoko muna syang pabalikin sa bahay ng tiyahin nila dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa susunod.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela kapag naiisip ang posibleng mangyari sa kanya kung hindi sya nakapagtago sa sasakyan ko. Mabuti na lang talaga at nakalimutan kong i-lock ang pinto ng sasakyan kaya nakapagtago sya. Sinong mag aakala na sa ganoong sitwasyon pa kami magtatagpo.

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Mag a-alas onse pa lang ng tanghali.

Habang nasa byahe ay iniisip ko si Ivy at wala sa sariling napapangiti. Naalala ko wala pala syang damit at tsinelas.

Kaya pagpasok ko ng Santa Martina ay dumaan muna ako sa pamilihan para ibili sya ng damit. Gusto ko sana sa mall kaya lang ay nasa kabilang bayan pa ito.

Binilhan ko sya ng damit at mga shorts pati na rin bestida. Tinantya ko na lang ang sukat. Binilhan ko na rin sya ng mga underwear yun nga lang ay hindi ako sigurado sa sukat ng bra. Kaya nagpatulong na lang ako sa tinderang babaeng naroon. Bumili na rin ako ng isang pares ng tsinelas. Dumiretso na rin ako sa katabing botika para ibili na rin sya ng mga personal hygiene nya. Bumili na rin ako ng mga prutas at lutong pagkain para kakain na lang kami pag uwi ko. Bukas ay magiiwan na lang ako ng pera kay manang Sol para pang grocery. 

Binuksan ko ang likuran ng sasakyan at nilagay ang mga pinamili ko. Tiningnan ko pa ito at inisip kung may kulang pa. Siguro ay tatanungin ko na lang sya mamaya kung ano pa ang mga kailangan nya.

Sumakay na ako sa raptor ko at pinaandar na ito. Pasipol sipol pa ako habang tinatahak ang daan pauwi. 

Naabutan ko sa labas ng bahay si manang Sol na nagtapon ng basura. Binati nya ako at pinagbuksan na rin ng gate. Ipinasok ko na ang sasakyan at pinarada sa garahe. Tinulungan ako ni manang na bitbitin ang mga pinamili ko sa loob ng bahay. Hindi pa man ako nakakapasok ay dinig ko na ang hagikgik ni Ivy at kahol ni Wiper. Naglalaro pala sila sala at mukhang hindi naramdaman ang pagdating ko. Maging si Wiper na malakas ang pang amoy kapag dumating ako ay mukhang haling na haling ngayon sa dalaga at hindi man lang ako sinalubong.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Halos sabay silang dawala na lumingon sa akin. Tumakbo sa akin si Wiper na kumakawag kawag pa ang buntot at gustong magpahimas.

"Hey buddy, inaaliw mo ba ang bisita natin? " Natatawang tanong ko sa aso. Kumahol naman ito at tumingin pa sa dalaga na may kiming ngiti. "Good boy. May treat ka sa akin mamaya." Sabi ko sa aso at marahang tinapik sa katawan.

"Hi." Bati ko kay Ivy na tahimik lang na nakatingin sa akin at nakangiti.

"Magandang hapon po sir Jeiz." Nahihiyang bati nya. Malamyos ang boses niya na masarap sa tenga.

Love Me Angel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon