Pangalawang Pahina ng Nakaraan: Ang liham na ito ay para sa hinaharap
August 02, 2022
Dalawang taon na ang nakakalipas nang simulan ko ang aking nobela na "Jardin de Rosas" at dati ko pa ipinangako na iyon ang kauna unahang istorya ang aking matatapos. Nais ko itong gawing sulat sa dating ako. Ako nga pala si Binibining Jeza Asuncion mula sa buwan ng Agosto taong dalawang libo dalawampu't dalawa. Sana kapag nabasa mo na ito ngayon ay tapos mo na ang nobelang iyong nasimulan sapagkat ayaw ko sa lahat ang nagbibitaw ng salita ngunit hindi ito tinutupad. Kapag nangako ka, nangako ka. Panindigan mo iyon at kung anumang desisyon ang ginawa mo rito sa nakaraan. Kasalukuyang inaayos ko ang bawat kabanata ng Jardin de Rosas. Aking nababatid na planado na ang katapusan ng nobelang iyong isinulat. Sana kapag natapos mo ito may saya sa iyong puso at magkaroon ka ng panibagong pangarap. Ipagpatuloy mo lang ang mangarap. Magsulat ka lang ng magsulat kahit walang nagbabasa sapagkat darating din ang araw na may magbabasa ng iyong gawa at may susuporta. Huwag na huwag kang susuko sa kalagitnaan ng laban, magphinga ka lamang. Sa dating ikaw, gustong gusto niyang matapos ang nobelang ito, nawa'y huwag mong biguin ang iyong sarili.
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poésie#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories