065

1 0 0
                                        

GSF_ASUNCION
SETYEMBRE 14, 2023

"Ang iba't ibang uri ng Law Courses sa Pilipinas"

Bilang isang estudyante ng K-12, isa sa pinakamahirap na desisyong kailangang pag-isipan ay kung anong kurso ang pipiliin para sa kolehiyo. Marami sa atin ang nasa larangang STEM, habang ang iba naman ay sa HUMSS, ABM, GAS, at iba pa. Para sa isang estudyante na nagnanais mag-aral ng batas, mahalaga na siyang mag-imbestiga kung ano ang mga iba't ibang uri ng kurso sa batas. Tungkol saan nga ba ang mga law courses? Ano ang mga uri nito? Kakayanin ba ito?

Ayon sa AECC SEARCH noong ika-13 ng Setyembre, 2023, ang pinakakaraniwang kurso sa batas na maaaring pasukan ay ang Bachelor of Laws (LLB). Karaniwang nagsisimula ito sa mga pangunahing asignatura tulad ng Sociology, Economics, Political Science, Legal Ethics and Court Crafts, at marami pang iba. Bukod dito, binibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng espesyalisadong paksa sa batas batay sa iyong interes. Sa pag-aaral ng kurso na ito, maraming oportunidad ang nagbubukas sa larangan ng propesyon at personal na buhay. Kung hinahanap mo ang hamon at nagnanais magkaroon ng positibong pagbabago sa mundo, maaaring ang karera sa batas ay para sa iyo.

Isa sa mga magandang kurso sa Law ay ang Bachelor of Laws, kung saan may tatlong taong pag-aaral at isa sa mga career options ay ang maging Legal Analyst. Matututunan mo rin ang mga prinsipyo ng katarungan at etikal na praktis sa isang teknolohiya-driven na mundo. Ang ikalawa naman ay ang BA - Criminology, Law and Society na may apat na taon na pag-aaral para maging isang Criminal Lawyer. Dito, matutunan ang mga komprehensibong konsepto ng legal na sistema, na nakatuon sa hustisyang kriminal at juvenile. Susunod naman ay ang Bachelor of Business and Laws, na may tatlong taon na pag-aaral at maaari kang maging Corporate Lawyer. Kasunod nito ay ang BA - Criminology and Justice, na may apat na taon na pag-aaral at may pagkakataon maging Judicial Officer. Tinutulungan ng kurso na ito ang mga estudyante na maunawaan kung bakit gumagawa ng krimen ang mga tao at kung paano ito maiiwasan. Hindi rin dapat kalimutan ang Bachelor of Criminal Justice, kung saan ang kurso ay nakatuon sa pag-aaral ng kriminolohiya, sosyolohiya, pag-unlad at abnormal na sikolohiya, pagpupulis, batas at pamamaraang kriminal, at serbisyong pantao. Ito ay tatagal ng tatlong taon at may pagkakataong maging Legal Advisor.

Ang mga nabanggit na law courses ay magandang oportunidad upang makatulong sa ating kapwa tao na nangangailangan ng hustisya. Bilang isang tao, maraming bagay ang maaari nating matutunan at maraming biyaya ang maaari nating maibahagi sa ating kapwa tao mula sa ating Panginoong Diyos.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon