Ika-walong Pahina ng Nakaraan: Memories
August 08, 2022
Malakas na bumubuhos ang ulan habang nakatingin sa bintana ang isang binibini. Madilim ang kapaligiran sapagkat walang liwanag na makikita mula sa buwan. Pinagmasdan niya ang pagbuhos ng ulan habang napakalalim ng iniisip. Sa tuwing umuulan, mayroon siyang kakaibang nararamdaman na kalungkutan kahit wala naman itong maisip na dahilan.
Habang pumapatak ang ulan may nahagip itong ilaw ng lampara sa tabi ng puno. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat at tiningnan ito ng mabuti, baka namalik mata lamang ito. Tama nga, may tao sa likod ng puno.
Pawang may mahikang nagsasabing puntahan niya ang ilaw na iyon kaya napagdesisyunan niyang lumabas ng bahay. Isinuot niya ang kaniyang tsinelas at binuksan ang pinto. Malakas na ihip ng hangin ang dumampi sa kaniyang balat dahilan upang lamigin siya. Tumingin siya sa gawi ng lampara at nakita niya ang isang ginoo na nakatingin din sa kaniya. Nagulat siya sapagkat pawang pamilyar ito.
"Binibining Celeste." Kahit malayo pa ang ginoo sa kinaroroonan nito, rinig na rinig niya ang pagbigkas ng kaniyang pangalan mula rito. Dahan dahang bumagal ang ikot ng mundo habang naglalakad ito papalapit sa kaniya. Hindi makagalaw ang binibini sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin sila sa isa't isa. Nakangiti ang ginoo habang lumalapit dito.
"Sinusundo na kita. Hindi ka nararapat dito," saad ng ginoo nang makarating ito sa harapan ng binibini. Hindi pa rin makagalaw ito at nakatingin lamang sa mukha ng ginoo.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang hinawakan nito ang kaniyang beywang. "S-sino ka?" nauutal na sambit ng binibini.
"Hindi mo na ako maalala, Celeste?" nagtatakang tanong ng ginoo habang nakatingin sa mga mata ng binibini. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga labi at ibinalik sa kulay asul na mga mata nito.
"Ako ang kasintahan mo sa kabilang mundo." Hindi na nakapagsalita ang binibini dahil siniil nito ang kaniyang labi dahilan upang mahulog ang hawak na lampara ng ginoo. Napahawak siya sa buhok nito habang patuloy pa rin ang paggalaw ng kanilang labi sa isa't isa. Hindi na maramdaman ang lamig sa kapaligiran dahil sa init na nararamdaman nilang dalawa.
"Saan ka man magpunta, hahanapin kita," mahinang sambit ng ginoo sa pagitan ng kanilang halik. Dahan dahang ngumiti si binibining Celeste nang maalala na niya ang lahat. Sa pamamagitan ng halik na iyon, maalala mo ang mga memorya na pinagsamahan nila ng ginoo. Tiningnan niya ito sa mga mata at nagsalita. "Ako'y nagagalak na sinundan mo ako rito sa halos walong taong lumipas, ginoong Sebastian." Sa pagkakataong ito ang binibini naman ang humalik sa kaniyang nobyo.
Sa madilim na kapaligiran habang malakas na bumubuhos ang ulan, may mga bagay na hindi nating maipaliwanag.
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan
Author's Note:
Kahit kailan hindi ako gumawa ng gantong senaryo, tho dapat handa ako dahil sa Jardin de Rosas may ganitong mga senaryo dahil Romance. Hindi lang talaga ako sanay sapagkat wala akong alam at hindi ko rin alam ang pakiramdam niyan HAHAHAHAHA

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories