"Nandidito na naman ako sa sitwasyon ng nakaraan." Nakatulalang sambit ko. Malakas na bumubuhos ang ulan habang nakaupo ako sa hindi ko malamang lugar. Dilim ang namumutawi sa buong kapaligiran at hindi ko alintana ang lamig na aking nararamdaman. Patuloy na bumubuhos ang ulan sa aking katawan habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan. Halo halo ang emosyon na aking nararamdaman. Lungkot, lito, inis at galit. Nakikita ko muli ang aking sarili sa nakaraan na kung saan ganito rin ang aking naramdaman. Na kung saan hindi ko maipaliwanag ang tumatakbo sa aking isipan. Patuloy ang pagdaloy ng likido sa aking mga mata na kung saan ang dahilan kung bakit naririto na naman ako sa nakaraan. Ramdam ko ang maga at sakit sa aking mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak ko. Walang katapusan ang sakit na aking nararamdaman.
Tumingala ako upang salubungin ang bawat patak ng ulan. Napahawak ako sa aking dibdib na kung saan ramdam ko ang paninikip nito. Ipinikit ko ang aking mga mata na pawang nararamdaman ko ang sakit habang patuloy na bumubuhos ang aking luha kasabay ng ulan. Sumigaw ako nang malakas habang inaalala ang LAHAT.
Nagitla ako nang makita ko ang aking binabasa. Napatingin ako sa aking bintana na kung saan bumubuhos nang malakas ang ulan. Natulala ako ng ilang seundo dahil doon. Kumunot ang aking noo at napalunok ng laway. Ramdam ko ang hirap at hinagpis na nakasulat sa teksto na ito. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa hilo na aking nararamdaman. Masakit na rin ang aking mata dahil sa kakabasa. Sinisipon na rin ako at pawang ilang saglit na lamang ay magkakalagnat na ako.
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at bumuntong hininga. Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Pagkatapos niyon ay lumabas sa aking kuwarto patungo sa terrace. Unang sumalubong sa akin ay ang lamig na galing sa hangin at ulan. Tumayo lamang ako roon at pinagmasdana ng malungkot na kalagayan ng panahon. Humigop ako ng mainit na gatas at bumuntong hininga muli.
Ganoon ang pakiramdam ng taong mag-isa. Walang nakakakita ng nilalaman ng kaniyang puso at isipan dahil walang nandiyan para sa kaniya. Sa kalagayan ng karakter doon, ipinapakita ng ulan at ang luha nito na iisa lamang. Mabigat ang kaniyang nararamdaman kaya sa pamamagitan ng pag-iyak ay ibinuhos niya ito. Ganoon din sa bigat ng ulap kaya umulan. Nais ding ipakita sa aking nabasa ang pisikal na kaniyang nararamdaman ay pawang realidad. Hindi nito alintana ang lamig na kaniyang nararamdaman. Na kung saan wala na siyang paki-alam sa nangyayari sa realidad. Kaya nasambit din nito na "Nandidito na naman ako sa sitwasyon ng nakaraan." sapagkat mayroong nangyari sa realidad upang makabalik siya sa nakaraan. Samantalang ang dilim ay sumisimbolo rin na walang nandidiyan para sa kaniya. Kung kaya't iyon ang kaniyang nakikita. Sa parte kung saan sinalubong nito ang bawat patak ng ulan ay ang nagsasaad ng "sakit". Na kung saan kusang loob nitong haharapin ang sakit na ipinaparamdam ng nakaraan sa kaniya na hatid ng realidad.
Dahan dahan akong napangiti habang laman iyon ng aking isipan. Pinunasan ko ang aking luha mula sa aking kaliwang mata gamit ang aking kamay. Doon ko napagtanto na... ako ang nagsulat niyon.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesía#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories