Ika-pitong Pahina ng Nakaraan: Bakit ako nagsusulat?
August 07, 2022
Bakit ka nagsusulat?
Bakit nga ba ako nagsusulat? Maraming dahilan kung bakit. Una, it makes me happy. Kahit ano pang bagay na gawin ko upang maging masaya ako, isa na roon ang pagsusulat. Nakakawala ng stress HAHAHAHAHA. Though maiistress ka talaga minsan kapag wala kang ganang magsulat o kaya nama'y sa pagpplano ng plot twist or mga scenarios. Mahirap din kasi gumawa at tapusin ang isang nobela, kahit wala pa akong natatapos, alam kong mahirap kasi nasa kalagitnaan nga ako ng pagsusulat nahihirapan na ako eh. Parang wala ka sa realidad kapag nagsusulat ka, tuloy tuloy lang ang mga darili mo sa pagtitipa ng mga letra sa laptop or cellphone. Like literally, sunod sunod mga ideas sa utak mo kapag planado ang buong kabanata. Ganoon kasi ako gumawa ng istorya, nakaplan ang bawat kabanata at may hahantungan ito, dahil ganoon naman din talaga para mas mahook mo rin yung readers sa mga susunod na mangyayari.
Bakit ako nagsusulat? Dahil din dito ko nailalabas ang mga bagay na nasa aking isipan at kung ano ang aking nararamdaman. Totoo talaga ang sinasabi ng ilang mga manunulat na through writing naeexpress mo ang mga bagay na nasa isip mo at nararamdaman o kaya nama'y nasusubok mo ang utak mo sa pagsusulat.
Isa pa ay, dahil din kay Binibining Mia. Sa kaniyang mga akda, mas lalo akong naiinspire magsulat dahil sa ganda ng kaniyang istorya at mga aral nito. Pangarap ko ring makilala sa wattpad someday dahil sa mga gawa kong istorya kaya ang goal ko muna ngayon ay matapos ko ang Jardin de Rosas;)
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories