060

10 0 0
                                    

Paano mo ginugol ang iyong libreng oras at bakit?

Sa tuwing wala akong ginagawa, nakokonsensya ako sapagkat dapat wala akong sinasayang na oras. Kung may lakas pa naman ako gumawa ng ibang bagay, gagawin ko ang iilang mga long-term sa aking buhay gaya ng pagsusulat, pag-aaral, at iba pang mga bagay na makakapag-benefit sa akin. Imbes na nakatunganga lamang ako o kaya nama'y nag-sscroll lang sa social media, mas makakabuti kung mayroon ka pa ring ginagawa dahil iyon ang makakatulong sa'yo.

Ano ang mga hakbang na ginagawa mo upang mapanatili ang iyong disiplina sa pag-aaral?

Kung tutuusin, ako'y nagkukulang pa ng disiplina sa pag-aaral nitong mga nakaraang buwan. Ngunit iyon ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon at may napapansin na akong magandang resulta kahit papano. At isa doon ay mag-set ka ng goals mo. Pagkatapos niyon ay gawin mo itong prayoridad. Sapagkat kadalasan ang aking mga kahiligan o hobbies ang ginagawa kong prayoridad gaya ng pagsusulat sa aking nobela. Ngunit kapansin-pansin na kung ibig kong makakuha ng mga magagandang resulta sa pag-aaral, ito ang pagtuunan ko ng pansin. Set goals, prioritize it, do it and no excuses.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon