Mayroon ka bang mga natutunan kamakailan na nais mong ipagmalaki o ibahagi?
Mayroon at iyon ay "appreciate every moment" at "iparamdam mo sa taong iyon na mahalaga siya". Minsan nakakalimutan natin ang mga bagay na nangyayari ngayon sa kasalukuyan ay hindi na mangyayari muli sa hinaharap. Kaya hangga't nasa gano'n kang senaryo, tandaan mo na dapat magpasalamat ka sapagkat naranasan mo ito gaya na lamang ng mga bonding kasama ang mga Magulang mo at Pamilya mo. Habang ang isa naman ay hindi natin napagtatanto na ang bawat tao ay may hangganan. Maaaring may mangyari sa'yo o sa kaniya. Mahalaga ang pag-e-express ng nararamdaman natin sa tao gaya ng aking Inay at Itay, nakalulugod sa kanilang damdamin ang ipinapakita mong mahal mo sila sa mga simpleng gawain lamang. Minsan magsisisi ka nalang bandang huli sapagkat hindi mo ginawa o sinabi ang isang bagay sa tao na iyon. Kaya konektado ang appreciate every moment at ang pagpaparamdam sa isang tao ang iyong naiisip at nararamdaman tungo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories