029

18 2 0
                                    

Ika-dalawampu't siyam na Pahina ng Nakaraan: Presentasyon

September 05, 2022

Bago pa man magsimulang magsalita ang guro sa aming harapan ay nararamdaman ko na ang kaba na namumutawi sa aking sistema. Ngayong araw na ito ay ipapakita namin sa harapan kung ano ang gawa namin tungkol sa activity na If I we're a book.

Oo nga pala, ako ang prayer leader kaya tinawag ako sa harapan ng guro namin.

Pagkatapos ng pangyayari iyon ay umupo na ako sa aking kinauupuan. Doon na nagsimula ang mabilis na tibok ng aking puso na nagsasaad na kinakabahan ako. Naririnig mula sa aking dibdib ang kabog nito at alam ko sa aking sarili na ang abnormal ang bilis nito.

English ang gagamiting lengguwahe sa subject na ito at mahina ako roon kaya nagkabisa lamang ako ng isang iskrip. Ngunit sa kasamaang palad, kinakabahan pa rin ako kahit na kinakabisado ko pa rin ito.

Nagsimula ng magpresent ang aking mga kaklase at nakikinig lamang ako sa kanila habang binabasa ang iskrip na aking ginawa. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking puso hanggang sa nanalangin ako sa ating Panginoong Diyos. Kinausap ko ang aking sarili na alam kong kaya ko ito at isa sa hagdan upang matutunan ko ang lengguwahe na ito ay matapos ko ang pangyayaring ito.

Nang tawagin ako upang magpresent ay tumayo na ako sa aking kinauupuan. Kinuha ko ang aking gawa at bumuntong hininga bago magsalita.

Express yourself, your thoughts, and your feelings for this presentation...

Nasimulan ko ito ng maayos at mapapansin mong nakatingin ang lahat sa iyo. Kahit papano, nababawasan ang kaba na nararamdaman ko dahil sinusubukan ng aking mga kaklase na maging kalmado ang nag-prepresent sa harap.

Hello everyone!!! Did you know the book entitled "When the sun sets" by Xylvester Xyn? I'm a fan of his work and I admire how he wrote that novel. The characters, the settings, the plot, and the whole novel was a masterpiece! Wait---- wait. What will be your reaction when you see your favorite fictional character standing in front of you? The same facial features and characteristics. What will you do? Here, let me read for you the overview of his book:

"One day, I saw one of the fictional characters I made in my novel. He keeps telling me that he needs my help. I thought it was all my imagination, not until when I suddenly woke up inside the world of the story I wrote. That novel is entitled "Jardin de Rosas." A tragic love story of the governor's daughter and a professional doctor during the Spanish colonization of the Philippines."

Annalise met all the characters she named, and heard all the lines she created. She also experienced all the scenes she imagined when writing that novel. How will she deal with her story when the male protagonist becomes her enemy?

Before reading this book, I have many questions in my mind that I want to answer. After reading it, I realized why this book is about "sunrise" and sunset."

The main character of the story, Annalise, wants to end her life even though she is already a successful writer. It begins when she meets Antonio in a scene where the sun rises, where the story begins. And the story ended beautifully with a sunset.

"When the sun rises, it gives me warmth and hopes to continue living and reach my dreams. And my journey ended beautifully when the sun sets," one of the dialogs of Annalise, where she exists inside the story.

This book relates to me because I am Annalise. We both love writing and reading stories. We also want to meet one of our favorite fictional characters. I and her love sunrise and sunset. The way she talks acts and decides is the same as mine in the book. We're both pretty hahaha! And that book, "Jardin de Rosas," is my work on Wattpad. I'm planning to finish that book within a year. And I am glad that I have this opportunity to share my thoughts with you through this kind of activity. Thank you!Sa kasamaang palad, lumagpas ang aking pagsasalitaa sa dalawang minuto kaya wala akong nagawa kundi umupo na lamang sa aking kinauupuan.

Sa aking pag-upo, aking nababatid na masama ang iniisip ng aking utak dahil sa nangyari. Paano kung hindi naman talaga maganda ang aking presentasyon at magkakaroon ako ng mababang marka. Dama ang anxiety sa akin at hindi makapakali kahit na nagsasalita pa rin ang aking mga kaklase sa harap.

Hanggang sa sinambit na ng Guro ang aming mga marka tungkol sa aming indibidwal presentasyon. buong akala ko mababa ang aking makukuhang iskor hanggang sa malaman kong naperfect ko ito. Sa kabila ng kaba at pag ooverthink, nalaman ko na kaya ko pala ito. Na nakuha ko ang iskor na ito dahil mismo sa akin.

--------------------------------------------

#PahinaNgNakaraan

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon