036

16 1 0
                                    

Ika-tatlumpu't anim na Pahina ng Nakaraan: Repleksyon sa E-tech
January 25, 2023

Magandang araw sa inyong lahat. Nais kong gamitin ang Wikang Filipino upang mas maipahayag ko ang aking nais sabihin sa lahat. Matagal na nang ako'y marinig ninyo sa saloobin na ito ngunit patuloy pa rin ako sa pagsusulat. Ngayong mayroon akong pagkakataon na magsulat at ilabas ang aking saloobin, naririto ako.

Simula nang ako'y mag-aral bilang isang senior high student, maraming nagbago. Isa sa nais kong ibahagi sa inyo ay ang asignarutang "EMPOWERMENT TECHNOLOGIES". Marami akong natutunan sa subject na ito at iyon ang aking ibabahagi sa inyo. Nawa'y mayroon din kayong makuhang bagong kaalaman.

Halos lahat dito ay alam ang application na "Picsart" at "Canva". Hindi ko pa man nakikilala si E-tech alam ko na ang mga apps na ito sapagkat maraming gumagamit at nakakatulong talaga siya sa school lalong lalo na sa paggawa ng mga proyekto. Nang malaman ko na pag-aaralan pala namin ito, nagulat ako sapagkat may iilan na akong alam dito. Mas ikinatuwa ko nang madagdagan ang kaalaman ko tungkol sa Picsart. Base sa internet, "Picsart is a Miami, Florida-based technology company that develops the Picsart suite of online photo and video editing applications, with a social creative community. The platform allows users to take and edit pictures and videos, draw with layers, and share the images on Picsart and other social networks." Ang mga bagay na natutunan ko ay ang; cropping, brightness and contrast, saturation, resize, color temperature/color adjust, curves and levels, clone/rubber stamp and eraser. Habang sa Canva naman, mapapa-WOW ka nalang dahil mapapabilis niya talaga ang buhay mo sa mga school works na gusto mong matapos. Ang mga skills na nalaman ko rito ay ang mga sumusunod; search and edit elements, upload and edit media, record yourself, add and style text, edit photos, and add animations. Napaka-swak talaga ng Canva sa kahit ano.

Malaki ang impact ng dalawang ito sa buhay ko lalo na't nageedit ako ng mga photos, gumagawa ng thumbnail for my vlog and also para rin nga sa aking YouTube Channel. Hindi lang doon, sa Wattpad ko rin dahil puwede kong iedit yung mga texts into pictures at ipopost sa aking page.

Kasunod nito ay ang paggawa ng website, ang "WIX" malakas din ang impact nito sa akin dahil makakagawa ka talaga ng website for FREE. Gusto ko sana siya gamitin sa Wattpad and YouTube ko kaso hindi ko pa nasisimulan. Maraming features ang wix na makakagawa ka talaga ng magandang website. Ang skills na mga natutunan ko rito ay ang pag-mamatch ng kulay at fonts para magandang tingnan ang website. Nakakatuwa nga na tungkol sa libro ang ginawa kong website.

And lastly, ang proyekto namin sa E-tech ngayong second quarter. Natuto akong mag-edit sa Capcut at Kinemaster. Hindi as in natuto kundi mas na-enhance yung pag-eedit ko. Maaari n'yong tingnan ang mga tutorial ko soon sa YouTube para happy! Kasunod pala nito ay ang tungkol sa YouTube analytics. Alam ko na ito dati pa ngunit may iilan pa akong hindi nakalkal. Na-discuss ito ni ma'am at natuwa talaga ako dahil nakatulong siya sa pag-vvlog ko. Maraming laman ang yt analytics ito ay ang mga sumusunod; real-time views, watch-time, kung anong bansa ang madalas manood sa mga videos mo, impression click through rate at marami pa. Makakatulong ito upang mas malaman mo kung ano ang kailangan mong iimprove sa videos mo.

Dito na nagtatapos lahat ng mga bagay na nais kong sabihin. Kung hindi lamang ako kulang sa oras, marami pa akong nailagay dito o kaya nama'y ginawa ko itong vlog at inupload sa yt pero ang daming gawain sa buhay HAHAHAHA.

Iyon na muna sa ngayon aking mga Ginoo at Binibini! Maraming salamat sa inyong pagbabasa! 

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon