Ika-anim na Pahina ng Nakaraan: Pagtingin
August 06, 2022
"Ang pag-ibig na hindi lumalabas sa bibig ngunit nararamdaman sa pagtitig." Thy Love by Binibining Mia.
May nagsabi sa akin, fall in love on someone's eyes. Totoo ito kahit hindi ko pa nararanasan. Kakaiba ang pakiramdam sa tuwing tinitingnan mo ang taong gusto mo o mahal mo sa kaniyang mga mata. Para bang may kakaiba na hindi mo maintindihan kapag nagkakatitigan kayo o kaya nama'y aksidenteng nakatingin sa kanila at makikita mong nakatingin na rin pala sa iyo. Yung tipong pagmamasdan mo ang taong iyon na nakangiti o kaya nama'y tumatawa, nakatingin ka lang sa mga mata nila o kaya nama'y sa ngiti nila... magiging masaya ka na rin dahil sa pagtingin na iyan.
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesia#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories