067

2 0 0
                                        

"PARA SA AKING SARILI
isang maikling kuwento ni Binibining Jeza Asuncion.

"WHAT makes you a National Artist of the Philippines?" Naalala ng isang binibini ang isinambit ng kaniyang guro sa klase nila. Naglakbay ang kaniyang kaisipan habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Malakas na umihip ang hangin at naramdaman niya ang lamig ng gabi.

May luhang namuo sa kaniyang mga mata nang maalala niya ang kaniyang Lola na nagturo sa kaniya ng iba't ibang midyum ng arts. Dali-dali niyang pinunasan ang kaniyang mga luha nang tumulo ito at napayuko.

"Nabigo ako..." Nagpatuloy sa pag-hikbi ang bida habang inaalala ang mga memorya niya kasama ang kaniyang Lola. Napagdesisyunan niyang kunin ang kaniyang mga canvas at nagsimulang mag-pinta.

Isang oras ang lumipas at natapos niya ang kaniyang obra. Makikita ang isang buwan sa gitna na nagbibigay liwanag sa napakadilim na kapaligiran. Marami ring mga butuin na kumikinang at may isang babaeng nag-iisa sa ilalim nito. Kung pagmamasdan ang kaniyang gawa ay mararamdaman mo ang labis na pangungulila ng binibini sa kaniyang Lola. Pawang ipinakita niya mismo ang kaniyang kalagayan at nararamdaman.

"Hindi man ako maaaring maging Pambansang Alagad ng Sining sa buong Pilipinas. Kaya ko namang maging alagad ng sining para sa aking aking sarili. Sa paraang makakatulong din sa akin at hindi lamang sa iba."

-TAPOS-

AUTHOR'S NOTE: Gusto ko man ito gawan ng mahabang bersyon ngunit baka hindi na ito basahin hanggang dulo. Bilang karagdagan sa aking kasagutan, walang sino man ang magiging NATIONAL ARTIST NG PILIPINAS kung "the artwork made has attained an international and national recognition." Iyan ang pinaka-mahirap na gawin ng isang tao upang makamit ang kaniyang pangarap. Ngunit, kung ito ay iyong hinahangad, subukan mo sapagkat walang imposible. Ngunit kung ako nga ang tatanongin, kayang kaya natin na maging sining ng sarili nating buhay.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon