Ika-labing isang Pahina ng Nakaraan: First Moon
August 11, 2022
To someone who makes me smile and laugh (Ang aking Saloobin 011)
Hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito... nais ko lamang sabihin sa iyo na. Ikaw lang ang gusto ko at magugustuhan ko. Hangad ko rin sana na ikaw nalang sa hinaharap. Napatunayan ko naman na ikaw lang ang gusto ko sa pamamagitan ng "gawa", nag-stay pa rin ako sa tabi mo. Nais ko pang lalong maramdaman ang lahat ng sinasabi mo, maaari mo ba itong patunayan sa gawa? Natatakot ako na baka maaari akong masaktan, tayong masaktan. Ngunit pinagdesisyunan ko na ito kaya paninindigan ko. Hindi naman siguro ako magsisisi sa pagstay ko, hindi ba? Masaya ka naman dahil pinili ko pa ring manatili dahil sa iyo, hindi ba? Maaari bang may patunayan ka rin sa akin na ako lang ang gusto mo? Maaari ko bang marinig mula sa'yo na ako lang din ang gusto mo? Hindi ko sana ito dapat itanong pa sapagkat, kapag gusto ka ng isang tao o mahal ka nito, hindi mo na kailangang sabihin pa dahil gagawin nila. Kakayanin mo ba ang lahat sa hinaharap? Maraming pagsubok ang mararanasan natin, alam mo iyan. Kakayanin ba nating hintayin ang isa't isa?
Napangiti ako sa munting liham na aking nabasa. Akong, ako ito, nais ko itong sabihin sa kaniya ngunit paano? Ito ang kaunaunahang lumabas muli ako ng bahay upang tingnan ang buwan. First Moon.
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories