Tekstong Nanghihikayat – Panitikang Atin
Kailan ang huli mong pagbabasa ng literaturang Pilipino? Naalala mo pa ba ang kuwento roon o ang nais iparating ng may akda? Ano ang iyong napagtanto nang mabasa mo ito? Hinahangaan kita kung mayroon kang maayos na kasagutan sa mga tanong na iyan. Kung wala kang naisagot nang maayos at nababasa mo na ang parte ng teksong ito, nais kong ipakilala sa iyo ang Panitikang Atin.
Isang kagaya ko ay hindi lamang mambabasa, kundi manunulat din. Ang aking mga isinusulat ay nagpapahayag ng aking iniisip, damdamin, saloobin, karanasan at mga hangarin. Ang mga halimbawa nito ay tula, maikiling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, anekdota, balita, talambuhay, sanysay at talumpati. Mga panitikang gawa mula sa ating bansa ay matatawag na Panitikang Pilipino. Ang kalahagan ng panitikan sa atin ay ang mga bagay na ating matutunan hindi lamang sa kultura kundi pati na rin sa ating buhay. Ang pagbabasa at pagsusulat ay isang kahanga-hangang gawain lalo na't kung konektado roon ang ating bansang Pilipinas. Napakaraming mga literaturang Pilipino ang maaaring mabasa kahit ngayon. Ang tinatawag nilang "wattpad" ay mayroong iilang mga Pilipinong Manunulat na ibinabahagi ang kanilang sariling kuwento sa mga kabataan na mayroong interes sa pagbabasa.
Maaari kang maging mambabasa at manunulat ng ating bansa na makakatulong sa iyong sarilin kaunlaran at gayon din sa ating bansa. Sa tuwing ako'y nalulungkot ay nagsusulat lamang ako upang ilabas ang aking sakit na nararamdaman na hindi magagaw ang ibang tao. Kung ako nama'y galit, magsusulat din ako sa paraang maikling kuwento upang aking mabatid ang maaaring gawin pagkatapos kong magsulat. Nais kong ibahagi sa inyo ang nobelang gawa ni binibining Mia na "I love you Since 1892" at "Salamisim" na kung saan ay tungkol sa kultura ng Pilipino. Nagbabasa ka na nga, may matututunan ka pa sa kultura ng ating bansa, saan ka pa tutungo kundi sa panitikang atin!
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories