Ika-dalawampu't apat na Pahina ng Nakaraan: Wikang Filipino
August 24, 2022
WIKANG FILIPINO ANG ATING GAMITIN SA PAGKOKOMUNIKASYON
"Sa mga lumipas na henerasyon, tila ba'y nakakalimutan na natin ang ating kasaysayan at kultura," aking wika sa katabi kong kaibigan na si Jen.
"Hod did you say so?" Tiningnan ko siya habang nakangiti. Nakatuon lamang ang kaniyang mga mata sa cellphone habang nag-titipa sa mga letra ng kaniyang keyboard. May kinuha ako mula sa aking bag at naglipat ng pahina.
"Dahil napapansin ko sa ating kapaligiran at..." Tumigil ako sa pagsasalita at ipinakita sa kaniya ang isang pahina, "sa aking nabasa," malakas kong binasa ang nakasulat doon kahit na mukhang hindi ito interesado sa aking sinasambit.
[Nilalaman ng pahina]
Anong ginagamit ng mga Pilipino sa pagkokomunikasyon noon? Hindi ba't ang ating sariling wika? WIKANG FILIPINO.
Ang komunikasyon noon at ngayon ay hindi lamang magagamit sa pamamagitan ng pagsasalita. Maaaring magamit ito sa paggawa ng mga tula, sanaysay, nobela, musika at napakarami pang iba. Bahagi ng kulturang Pilipino ang wikang ating kinagisnan na dapat ay pinahahalagahan ng bawat isa. Napakahalaga sa bawat tao ang kanilang sariling kultura at kasaysayan sapagkat doon mo makikilala ang iyong sarili. Makikilala natin ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng ating sariling wika sa pagkokomunikasyon.
Bilang isang manunulat sa larangan ng wattpad, ginagamit ko ang wikang Filipino sa paghahatid ng aking mga saloobin na nais iparating. Sa bawat damdamin na aking nais maramdaman ng aking mga mambabasa ay ginagamit ko ang wikang Filipino. Sa pagkakataong iyon, aking naipapakita kung paano ko pahalagahan ang ating sariling wika.
Ang mga salitang ating binibitawan ay nagbibigay kaalaman sa bawat tao kaya nais kong ibahagi sa iba ang aking saloobin. Bilang isang Pilipino, nararapat lamang na pahalagahan natin ang ating kultura at kasaysayan. Kung isa roon ay ang paggamit ng wikang Filipino, malugod ko itong ibabahagi sa pamamagitan ng aking pagsusulat.
"Pahalagahan ang ating kultura at kasaysayan, paligid natin ay ingatan."
-Binibining Jeza
[Tapos]
Napatingin si Jen sa akin nang matapos ko itong basahin. Ngumiti siya at tiningnan ako ng nang-aasar na tingin. " Hindi mo ako malilinlang, Alexa." Nagulat ako nang mag-Tagalog ito. Kumunot ang aking noo at isinara ang librong hawak ko.
"Bakit?"
"Ang pen name ng manunulat na iyan ay pawang pamilyar sa akin. Nabasa ko na ito minsan sa iyong papel." Nanliit ang kaniyang mga mata at sumilay ang ngisi sa kaniyang labi. Itinabi niya ang kaniyang cellphone at humarap sa akin. Dahan dahan akong nagkibit-balikat at tumawa ng mahina.
"Ikaw at si Binibining Jeza ay iisa!" Mabilis akong umiling at tumayo sa aming kinauupuan. "Pen name lamang ang ginamit d'yan ngunit hindi ang tunay na pangalan mo!"
"Ibinahagi ko lamang sa iyo ang kahalagahan ng wikang Filipino," saad ko tumawa naman siya.
"Ako'y nagagalak sa aking narinig mula sa iyo. Salamat sa pagmulat ng aking diwa jung bakit ang wikang Filipino ang dapat nating gamitin sa komunikasyon."
--------------------------------------------
for school purposes.
#PahinaNgNakaraan
BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesía#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories