047

31 1 0
                                    

UNANG ANIBERSARYO NG ISANG PAHINA NG NAKARAAN

Questions and Answers:

1. Paano ka nagiging masaya sa isang bagay?

Nagiging masaya ako sa isang bagay depende sa sitwasyon at kung sino rin ito. Ang mga emosyon na gaya ng "saya" ay nararamdaman at hindi mo agad mapagtatanto na iyon ang emosyong nararamdaman mo. Ang "saya" ay nararamdaman at hindi ito iniisip. Kaya mababatid kong masaya ako sa isang bagay kapag naramdaman ito ng aking puso, hindi ko nais sabihin na masaya ako dahil idinikta lamang ng aking utak kundi dahil ito talaga ang aking nararamdaman at sinasambit ng aking puso.

2. Sino-sino ang nakapagpapasaya sa'yo?

Isa sa mga taong nagpapasaya sa akin ay ang aking pamilya sapagkat nand'yan sila upang sumuporta sa akin. Lalong lalo na ang aking mga magulang, sila ang kauna uanahang tao na tumanggap sa akin. Ang kasunod naman ay ang taong espesyal sa aking puso, hindi ko man masabi ang kaniyang ngalan ngunit nagpapasalamat ako sapagkat tinanggap niya rin kung ano ako at nand'yan para sa akin. Nais ko ring idagdag ang aking mga kaibigan.

3. Paano mo nasasabi kung mahal mo ang isang tao?

May nabasa ako mula sa libro na ang pagmamahal ay nararamdaman at hindi iniisip kaya kung tatanongin ka ng katanungang "Paano mo nasasabi kung mahal mo ang isang tao?" hindi mo talaga ito masasagot agad sapagkat ito ay nararamdaman. At doon mo lamang mapagtatanto na, "Mahal ko na pala siya,"

4. Paano mo ipapadama ang pagmamahal mo sa isang tao?

Maraming mga paraan upang ipadama ko ang aking pagmamahal sa isang tao. Syempre may iba't ibang antas ang pagpapakita ng pagmamahal sa isang tao ngunit ituon na lamang natin sa isang bagay. Ipinapadama o ipinapakita ko sa taong iyon ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng pag-laan ng oras kasama sila, pagtulong sa kanila, pagbibigay ng mga bagay na aking pinaghirapan, sa pamamagitan din ng mga salita at ipadama sa kanila na sila ay mahalaga at espesyal sa akin.

5. Sa paanong paraan mo nasasabi kung masaya ka ba sa taong minamahal mo?

Masasabi kong masaya ako sa taong mahal ko sa paraan na kung saan kung paano nila ito ipakita o iparamdam sa akin. Mararamdaman mo na lamang at mapagtatanto mo na masaya ka sa taong mahal mo kapag kasama mo siya. Minsan nga kahit hindi mo siya kasama, mapagtatanto mo na lamang na masaya ka sa taong mahal mo.

6. Ano ang mga bagay na ikinaiinis mo sa isang tao?

Isang bagay na ikinaiinis ko sa isang tao ay kapag nagsinungaling ito. Mas mabuti nang sabihin moa gad ang katotohanan keysa itago mo pa sa kadahilanang natatakot ka sa magiging reaksyon ng taong iyon. Isipin mo na lamang ang kaniyang mararamdaman kapag nalaman niyang nagsinungaling ka. Ang kasunod niyon ay ang kawalan ng respeto sa kaniyang mga magulang, kahit ano mang mangyari dapat igalang natin ang ating mga magulang sapagkat sila ang unang tumanggap sa atin. O kahit hindi man iyon ang rason ngunit utos ng ating Panginoong Diyos na respetuhin, galangin at mahalin natin sila. Ang ikatlo naman ay kapag hindi na-appreciate ng taong iyon ang paghihirap o effort mo para sa kaniya. Ang huli naman ay ang pagiging makasarili.

7. Sa paanong paraan mo nabubuo ang pagtitiwala sa isang tao?

Iisang paraan lamang ang aking naiisip upang mabuo ang pagtitiwala ko sa isang tao. Ang pinagsamahan ninyo, kung gaano katagal at kabigat ang pinagsamahan ninyo. Doon kasi nabubuo ang tiwala mo sa isang tao.

8. Ako ba ay mapagkakatiwalaan mo? Bakit?

Walang pag-aalinlangang sagot na "oo". Sa tagal na nating magkakilala at sa mga pinagsamahan natin, masasbi ko talagang mapagkakatiwalaan ka.

9. Sa aling bagay mo maihahalintulad ang taong pinaka malapit sa iyong puso?

"Kakambal ng aking buhay" sapagkat kung wala sila, wala akong inspirasyon at motibasyon sa mga bagay na nais kong gawin. Ang mga taong malapit sa iyong puso ay nagbibigay ng lakas sa'yo upang gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay hindi mo kaya. Hindi natin kayang mag-isa kaya ang aking sagot ay kakambal ng aking buhay.

10. Ano ang mga katangian na tinataglay ng taong malapit sa iyong puso?

Marami akong masasabi ngunit iilang mga katangian na tinataglay ng taong malapit sa aking puso ay; sila ay mapagmahal, maalaga, kayang kaya akong pasayahin at hindi basta basta sumusuko. At masasabi kong malapit sila sa aking puso sa kadahilanang sila ay mahalaga sa akin. Higit sa lahat dahil din sa kanilang kakaibang mga personalidad na bumihag sa akin kaya sila ay malapit sa aking puso.

Author's Note: Nais kong ipaalam sa inyo na ito na rin ang talaarawang gagamitin ko para sa taong 2023 - 2024. Maraming Salamat sa nakikiramay sa nilalaman ng aking isipan at mabibigat na nararamdamang emosyon.

Isang Pahina ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon