Ika-tatlumpu't tatlo na Pahina ng Nakaraan: Red dress
September 19, 2022"Red dress looks good on you. You're stunning." May nagsalita mula sa aking likuran habang tinitingnan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi na ako lumingon at tiningnan na lamang ito sa repleksyon ng salamin. Isang lalaking naka tuxedo ang nakatayo sa aking likuran habang nakasandal sa pintuan.
Damn, he's so handsome.
Dahan dahan akong ngumiti sa kaniya at humarap dito. Tumayo siya ng maayos at tumingin sa akin. Naglakad ako papalapit sa kaniya nang nakatingin lamangs a kaniyang mga mata.
I miss him so much.
Nakatingin lang din siya sa akin habang nakangiti. Mabilis kong ipinalupot ang aking mga braso sa kaniyang leeg at niyakap ito. "Ace!" Sigaw ko sa kaniyang pangalan habang may mainit na likidong namumuo sa aking ma mata.
Naramdaman ko ang kaniyang dalawang kamay sa aking beywang at niyakap din ako nito. "I miss you so much, Carolina," he said while hugging me. Naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa aking leeg dahilan upang makaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan.
Humarap ako sa kaniya at ngumiti. Ganoon din ang ginawa niya at may kinuha sa kaniyang bulsa. "I have something for you." Mula sa kaniyang bulsa, may kinuha siyang maliit na box at ipinakita ito sa akin. Dahan dahan niya itong binuksan habang nakatingin sa aking mga mata. Binaling ko ang aking atensyon sa malaiit na parisukat na iyon habang nakahawak sa kaniyang magkabilang balikat. Isang kulay ginto na sing-sing ang aking nasilayan at mayroon itong kulay pulang stone sa taas.
Napaawang ang aking mga labi at tiningnan siya ng hindi nakakapaniwalang tingin. "Bakit mo ito binili para sa akin?!" Sigaw na tanong ko at tumawa naman siya ng mahina.
"This is a sign for our marriage," he said teasing me with his smile. Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang marinig ko ang salitang "marriage". "This is not enough to express how much I love you," dagdag niya pa at kinuha ang sing-sing mula sa box. Kinuha niya ang aking kaliwang kamay at hinalikan muna iyon. Isinuot niya ito sa aking ring finger at tumingin sa aking mga mata. Wala na akong oras upang maka-react sapagkat nagsalita agad ito.
"I waited 10 years for you, Carolina. As soon as you graduate tomorrow, you are mine." Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.
"T-thank you, Ace. I can't wait to be your wife," I said while tears are running down through my cheeks. Nngumiti din siya at niyakap akong muli. Tiningnan ko ang ibinigay niya sa aking sing-sing habang yakap yakap ito. Dahan dahan akong ngumiti at pinunasan ang aking mga luha.
Anong akala mo sa akin, Ace? Hindi mo ako maloloko!
Mabilis na nagbago ang aking ekpresyon, mula sa pag-iyak ay ngumisi na ako. He can't fool someone like me.
Humarap ako sa kaniya at kunwaring pinupunasan ang luha sa aking mukha. Nagulat ako nang hawakan maramdaman kong may tumutusok sa aking tagiliran. "We're enemies." Ngumisi ako at tiningnan siya ng masama. Mabilis akong kumilos at sinipa ang kutsilyo sa kaniyang paa.
"What do I expect from you? You are just like your father!" Malakas na sigaw ko at ngumisi naman siya.
"CUTT!!!!"
--------------------------------------------
#PahinaNgNakaraan

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poesie#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories