Sanaysay: Agenda ng Buhay Mo
Bago ko simulan ang sanaysay na ito ay ibig kong ipagpaliwanag ang aking gawain. Ang pagsasabing "agenda ng buhay ko" ay nangangahulugan ng mga layunin, plano, at mga bagay na mahalaga sa iyong buhay. Ito ay nagpapakita ng mga pangunahing aspeto o layunin na nais mong makamit o gawin sa iyong buhay. Sa konteksto ng iyong personal na buhay, maaaring isama rito ang mga pangarap, ambisyon, halaga, at mga bagay na may malalim na kahulugan sa iyo.
Bilang isang taong nabubuhay sa mundong ito ng halos labing walong taon ay masasabi kong napakarami kong layunin, plano at mga bagay na mahalaga sa aking buhay. Ang buhay ng tao ay dapat makabuluhan upang masabi na nabubuhay nga ito sa mundo. At hindi ka rin nabubuhay sa mundong ito kung hindi ka nakakadama ng emosyon at hindi nakakasagupa ng mga pagsubok. Ngayon, ipapaalam ko sa inyo ang agenda ng aking buhay at nawa'y maging inspirasyon din sa inyo iyo upang magpatuloy lamang sa mangarap.
Sa pag-aaral, ang ibig ko ay makapagtapos ng kursong 'pag-aabogado' at ipagpatuloy pa ang aking paglalakbay sa kaalaman ng astronomiya. Para naman sa mga 'skills' o kakayahan na maaari mong pag-aralan ay napakarami rin. Nandyan ang 'ice skating', pagluluto, pagbabay-bayin, pagsusulat, 'gardening', at napakarami pang iba. Napakaraming bagay ang maaaring malaman sa mundo na ito at natutuwa ako sapagkat hindi 'boring' ang planetang ating kinalalagyan ngayon.
Para naman sa aking Pamilya ay simple lamang ang aking nais. Ang matulungan sila at gumugol ng oras kasama sila. Sa katotohanang ang aking mga magulang ang kauna-unahang nilalang ang nandyan sa aking tabi. Sila ang tumulong sa akin upang mahubog ang aking pagkato. Patuloy silang nagsasakripisyo upang makapag-aral ako kung kaya't patuloy akong nag-aaral para sa kanila.
Kung may pamilya ay mayroong mga kaibigan at mga kamag-anak. Sa aking kaibigan na patuloy pa rin akong sinusuportahan at nakikinig sa aking mga kuwento. At para naman sa aking Tito na halos kasing edad ko na maaari kong makasalamuha sa kahit anumang paksang pag-usapan sapagkat nakikita kong magkapareho kami. Makakasama ko silang lahat sa hinaharap kung kaya't nasa agenda ng aking buhay ang mga ito.
Sa aking relihiyon at sa ating Panginoong Diyos ay masasabi kong hindi ito mawawala sa aking agenda ng buhay. Patuloy pa rin akong sumasamba at nakikinig sa mga aral niya. Sa katotohanang hindi mawawala sa aking pagkatao ang pananalangin kung kaya't kahit anumang mangyari ay parte na ito sa akin.
Sa wakas, hinding hindi mawawala ang para sa akin. Ibig kong matapos ang aking nobelang hanggang ngayon ay isinusulat ko pa rin. Ipagpapatuloy ang pagbabasa ng maraming libro at palawakin ang aking kaalaman. Nais ko ring gamitin ang aking oras sa pag-gigitara, pagkanta, pagsayaw at pag-aralan ang iba't ibang midyum ng sining. Gayon din ang 'self-improvement' na matagal nang nasa aking katawan at patuloy pa rin sa aking paglaki sapagkat batid ko kung gaano ito kahalaga sa bawat tao.
Ang agenda ng buhay mo ay personal sa iyo, at ito ay maaaring magbago habang lumilipas ang panahon at nagbabago ang iyong mga pangarap at prayoridad. Ito ay nagbibigay-daan sa iyo na magkaruon ng direksyon at layunin sa iyong buhay, at magtakda ng mga hakbang o plano para makamit ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Isang Pahina ng Nakaraan
Poetry#2 Ang aking mga saloobin sa bawat araw. Started: July 28, 2022 Ended: August 8, 2024 Status: Finished. Impressive Rankings: #13 in quotes out of 2.8k stories #42 in feelings out of 4.2k stories #204 in life out of 17.3k stories